CASSETT POV
Hay naku ewan ko ba hindi nagpapahuli sa eksena itong si Moon.
Magaaway din ba kami tulad nila Lacey at Liam, at dahil naman kay Azra?Ano ba kasing problema nya?
Wala talaga ako sa mood makipagaway."Sige na Azra, see you around nalang, thank you at pasensya na sa abala" paalam ko kay Azra. Pakiramdam ko tinataboy ko siya.
"Sorry" pabulong ko pang sabi.Napangiti siya.
Shet! Hwag ka ngang ganyang dark angel ka! Hayan nanaman ang killer smile oh?
"That's ok" sabay alis nya.
Nakakaguilty sa totoo lang, pero kesa naman saniban nanaman ng pagkabadtrip ang kapatid ko.
Umuwi nalang muna kami.
Pagdating sa bahay.
"Cassidy Lunette!" Si mama.
O ano nanaman?
" napapabayaan na yata ang pag-aaral mo? Tumawag sakin ang dean nyo at halos bumabagsak ka sa mga subjects dahil hindi mo napapasukan!" Sermon nito.
Patay! Nakalimutan ko, studyante padin pala ako.
I have no excuses, nagsorry nalang ako at nangakong babawi.
"Magfocus ka nalang nga sa pagaaral mo Cassett"sermon din ni Moon.
Ay eh di wow!
Pero sige na nga, focus nalang ako sa studies ko kesa patulan ko pa siya.
Magdamag ako sa kwarto para magreview at gumawa ng tambak kong homework.
Habang nakikipagchikahan si Moon sa skype kay Lacey at Liam. Nabalitaan ko na umuwi muna pansamantala si Mirage sa Baguio, pero magbabakasyon din daw siya ulit dito. Which is for sure hindi makapaghintay si Liam.
Mukhang ok naman na din pala sila ni Ram. Mabuti naman kung ganun.
Aaahhh! Inaantok na ko! bukas ko nalang itutuloy ang pagrereview.
-------
Start na ng exams... stock knowledge nalang! Bahala na!
Sa lahat ng subject na may kinalaman sa arts kasama ako sa mga matataas, pero imposibleng makakuha ako ng perfect grades dahil sa mga absent ko lol! At sa mga minor subject na walang kinalaman sa kurso ko, pasang-awa naman... oh yes! Nakaraos.
Sem break nadin!
Bukod sakin naging abala ng husto mga kasama ko sa pag-aaral syempre. Pero dahil bakasyon ulit.
"Waaahhh gurls namiss ko kayo!" Sigaw ni Rukia sabay yakap samin ni Karis.
Samantalang fistbump ang mga boys.
"Long time no see" bati din ni Mirage samin na nakisabay ng nagbyahe kina Rukia at Ray.
"Weh? Eh kanina lang magkausap kayo sa skype ni Liam" pang-aasar ni Lacey.
Blush mode pa ang dalawa.
Nice naman, oh may love life eksena nadin pala itong si Liam oh...."O kumusta na? Tahimik yata ang Ignition?" Tanong ni Ray.
Nagkatinginan kami nika Ian, Ram at Eve.
"Well? Sa ngayon kasi wala pang new case eh" kamot ulo ni Ian.
"Isa pa, diba dapat iwas nalang muna tayo sa mga ganyan?" Sabi ni Ram.
Hindi nalang ako kumibo.
BINABASA MO ANG
Moon and the Angel Of Death
Fiksi Remaja"Moon" is a guardian ghost na nangakong proprotektahan ang kanyang kakambal na si Cassett mula sa mga kakaibang pangyayari o masasamang elemento sa mundong ito. What if kung makikilala niya at makasama ang Angel of Death bilang isang kaluluwang lig...