Chapter 14: Ignition

298 20 6
                                    

RUSS POV

"oh sige na baby, ingat kayo ha? at kung meron akong maitutulong sa club niyo hwag kang magalinlangan magtanong sakin ok" sabay kiss sa pisngi ko ni Karis.

Hay ang swerte ko talaga sa girlfriend ko, super undersatanding, imbes na pagalitan ako sa pagsali na kakaibang club, todo support pa siya sakin, for sure kung same university lang kami nag-aaral, kasali nadin namin siya.

She wanted to be a lawyer, pero may goal siya at kakaibang perception sa buhay, dahil nadin sa mga naranasan naming kababalaghan nuon, gusto niyang ipaglabas sa korte ang mga paranormal activities na nangangailangan ng hustisya. Tulad nalang ng sikat na true to life story na Emily Rose, pinagbintangan pa tuloy ang pari na siya ang pumatay sa dalaga samantalang ang totoo sinaniban siya ng 6 na masasamang spirits. Hmmn, masyadong complicated na tanggapin ito ng ibang tao, pero naniniwala ako sa kakayahan ng girlfriend ko.

Pagdating sa parking lot. May mga taong busy na nagpopost ng poster sa mga bulletin board.

"Oh my god! magkakaruon ng concert ang Bloodline sa school" pagwawala ng mga babae.

At ganun din naman ang mga lalaking halatang nahuhumaling sa mga tugtugin ng bandang ito.

Shit! naloko na, itong campus na ito ang target nila? pero sino nanaman kayang kikitilan nila ng buhay? Hindi ba't naging biktima na nila ang grupo nila Justin at Alex? at napatay pa nga si Brian.

"Russ?" si Ram kakarating lang at napatitig din sa poster.

"We have to do something about this pare" sabi ko.

"I know, and I have plan" sabi niya.

"Kung ano man yan, count me in" sabi ko.

"kami din dapat syempre hwag nyong kalimutan" si Willow at si Saver.

"You mean? you know there is something wrong with this band?" tanong ni Ram.

"matagal nanamin silang sinusubaybayan actually" sabi ni Saver.

"kaya ba nandun din kayo nuon sa Skybar kasama si Skyler nun?" si Moon at kasama si... pucha! muntik na kong napakapit kay Ram ah?

"Lett? nakipagtaguan nanaman ba ang suklay mo sayo?" natatawa kong tanong. Sumimangot lang ang bestfriend ko.

Natawa ng kaunti ang magshota kay bestfriend.

"oo nandun kami para magimbestiga, pero ang totoo nito nanduon sila CLover at Skyler para pigilan kami" sabi ni Willow.

"Ram!" sigaw ni Eve na patakbo pang patungo samin. Nadapa tuloy siya.

Isa pa to? laging kaaway din ang suklay, ayan tuloy yung ibang taong nagkakagulo lang kanina sa mga poster nagsipagtakbuhan dahil sa takot, yung iba naman pinagtawanan ang kaibigan namin. Matalim ang tingin ni Ram sa mga yun. At umiwas din sila. 

"Careful Eve" sabay alalay ni Ram kay Eve at pinagpag pa ang alikabok sa damit nito.

Parang naging nanny si Ram si Eve simula nang iwanan na sila ng multong si Dawn. Kung sabagay nakakatuwa namang pagmasdan ang dalawang to yin and yang. Parang kami ni Karis. 

"Nakita niyo na ba to?" sigaw pa ni Eve habang hawak ang isang poster ng Bloodline. 

"yun nga ang issue namin eh" sagot ko naman. 

"Anyway? anong ibig mong sabihin na pinigilan kayo nila Clover at Skyler magimbestiga?" tanong ni Moon kina Willow. 

"They think na kalokohan lang ang gagawin namin" sagot ni Willow.

Moon and the Angel Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon