Chapter 27: Unseen

266 16 2
                                    

CASSETT POV

Buset na dark angel to, sulpot nalang ng sulpot. Isa pa... anong kinakain niya?

ICE CREAM? ng ganitong oras? at sa ganitong lugar? hindi ka yelo na ang laman loob nitong si Azra?

Napatitig siya sa painting.

"familiar ba sayo?" tanong ni Moon sa kanya.

Napaisip siya, pero umiling din.

"O sige tara na, bukas na natin ipagpatuloy ang imbestigasyon" sabi ni Ram.

"wait? kuhanan mo din ako ng picture" sabi ko sa kanila.

"hwag na Cassett" angal ni Moon.

Iniabot ko ang phone kay Azra. Hinila ko si Rukia at Eve.

Pagkakuha ng picture.

"One more" sabi ni Azra.

"patingin" sabi ko. Pero inilayo niya ang phone sakin.

"O bakit? ano bang nawawala sakin dyan sa picture?" tanong ko.

Sinilip din nila Moon, Ram at Sid ang picture sa phone. Lahat sila ay namutla.

Kinuhanan ako ng kinuhanan ni Moon.

"Ano ba Moon? masakit na mata ko sa flash, patingin nga kasi" pagkakuha ko sa phone ko, inihanda ko na ang sarili ko kung ano man ang makikita ko. Wala bang mga kamay? paa? o ulo?

When I saw the pictures...

"Sira yata ang phone ko" nginig kong sabi.

Nagkatinginan nalang kaming lahat.

Bakit ganun? wala ako sa mga picture? sila Rukia at Eve lang ang makikita mo. Nakapagitna ako sa kanila kaya imposibleng nalagpasan ako ng lente ng camera.

"I think we better go back" suggest ni Ram.

Naglalakad lang kami sa campus pero bantay sarado silang lahat sakin, para kong VIP na nakapaligid ang mga bodyguard ko.

"napansin nyo ba? bakit parang sadyang nagpapakita ang mga espiritu sa atin? I mean... parang mas malala yata ngayon?" sabi ni Sid.

"Ay alam mo papa Sid, akala ko ako lang ang nakapansin ng ganyang situation... ang totoo nga nito parang gusto ko na ding ipasara ang third eye ko kasi para kong aatakihin sa puso kapag may sumusulpot na mga multo, lalo na kapag mga chakaness buti sana kung kasing gwapo silang lahat tulad ni papa Moon." sabi ni Rukia.

Tumingin tingin ako sa paligid... kinusot ko pa ang mga mata ko.

Iilan lang naman ang mga nakikita kong spirits, malabo pa.

"what's wrong Cassett?" tanong sakin ni Moon.

"wala naman, napuwing lang ang mata ko" sagot ko. Iniwasan ko siyang tingnan.

"Oh god... " sabay kapit ni Eve at tago sa likod ni Ram.

"bakit?" tanong ko.

"nakakaawa naman ang babaeng multong yun" iwas tingin ito sa may harapan namin.

"Lakas ng trip ng pumatay sa kanya. Hindi pa nya tinuloy ang pagputol sa ulo nya ha?" Banggit ni Eve.

Hindi ako kumibo, dahil wala akong nakikita.

"Look at that man... bakit kaya nagbigti yun?" tanong naman ni Sid, sabay turo sa isang puno.

Nasabunutan ko na ang sarili ko. Ang weird naman pala talaga ng hindi mo nakikita ang mga bagay na nakikita ng mga kasama mo! Now I know na ang feeling ng mga taong walang third eye! nakakabaliw! para kong nahihilo... Napakapit ako kay Sid. Lumalabo ang paligid.

Moon and the Angel Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon