Chapter 48: Boundary

224 18 5
                                    

CASSETT POV

Nakakaloka naman itong matandang multo na ito. Nagutom tuloy ako.

Aminado ako hindi ko agad napansin na multo nalang pala siya. Siguro, talagang hindi siya maka-let go sa past kaya ang lakas lakas padin ng presence nya lalo na sa lugar na iyon.

"Cassett? What do you think your doing?" Pagsusungit nanaman ni Moon.

"O? Bakit? Isipin nyo nalang misyon ng Ignition to" sagot ko.

Napatingin si Willow at Saver sakin.

"Cassett? Hindi mo alam ang papasukin mo, kahit ako walang alam sa mundo ng mga diwata, napakadelikado" sabi ni Willow.

"Naalala nyo ba nuon sa villa nila Russ sa Laguna? Nung naligaw si Karis?" Paalala ko.

"Ah! Oo yung pinaglaruan siya ng mga lambana" ala-ala ni Rukia.

"Exactly, hindi ba? Pareho lang naman ng mundo nila?" Tanong ko.

"No! That's different , besides alam mo naman na puno ng pakikipaglaro at pagsubok ang lugar na iyon diba?" Paalala din ni Moon.

"Eh? Kakausapin at hahanapin lang naman natin si Lilyra" sagot ko.

"Natin? I can't go there Cassett" sabi ni Moon.

"Ay ganun ba? Eh ikaw Azra?" Tanong ko.

Napatingin muna ito kay Moon.

"It's not our world, I can't go there either" sagot nito.

"Ha? Eh diba galing ka nga sa gate of heaven and hell, diba ibang mundo din yun? O tapos nakakapaglakbay kayong dalawa ni Moon sa ibang dimention, bakit hindi kayo makakapasok sa mundo ng mga diwata?" Iritang tanong ko.

"Cassett! We can go only to astral world, mundo ng mga spirits. At ibang usapan na ang mga diwata" sagot ni Moon.

"Cassett, sa tingin ko naman kasi hindi din kailangan makita ni Lolo Yasu si Lilyra" sabi ni Mirage. "Baka lalo lang lumala ang situation.

"O bakit naman?" Tanong ko.

"I thought so... hindi mo naman talaga alam ang pangyayari sa dalawa, nadadala kalang ng awa sa matanda" sabi nito.

"Eh bakit hindi mo nalang ikwento samin ang nakita mo sa nakaraan ng dalawa? Para maging malinaw nga kung kailangan natin tulungan si lolo Yasu" suggest ko.

Hinawakan ni Mirage si lolo Yasu na nakatulala lang sa may bintana, isa siyang multong lutang sa nakaraan.

Ilang sandali pa ay parang nagising si Mirage sa isang bangungot. Pinagpapawisan ito ng malamig.

"Are you ok?" Alalay naman agad ni Liam sa kanya.

"Kailangan ko ng umalis" paalam ni lolo Yasu. "Baka hinihintay na ako ni Lilyra" sabi nito.

Paglabas nya ng pinto. Naglaho ito.

"Sigurado ako nasa may kakahuyan lang ang multong iyon" sabi ni Moon.

"Mirage? Ano ng nakita mo?" Excite ni Rukia. Excited much talaga to pagdating sa mga controvercy.

"It's true na napigilan ni Lilyra si lolo Yasu nung una itong nagtangkang magpakamatay, nung bumalik siya sa Japan para magpaalam sa pamilya nya, hindi siya pinayagan bumalik ng Pilipinas. Ilang taon ang lumipas nagkaruon ng delubyo ang bansang yun at namatay ang lahat ng kaanak ni lolo Yasu at yun ang pagkakataon nya para bumalik ng Pilipinas"  habang nagkwekwento si Mirage,  napansin namin na naluluha siya.

"Hindi na nya matagpuan si Lilyra, dahil pinagbawalan nadin itong makipagkita sa mortal, isa pa... nasaktan ang diwata dahil ilang taon ding hindi na nakabalik si Lolo Yasu. Hindi ito nakayanan ni lolo kaya..." napahinto siya.

Moon and the Angel Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon