Chapter 13: Nightmare

297 19 1
                                    

MOON POV

Ano ba Cassett? ano ba ang nangyayari sa kapatid ko?

Simula ng bangungutin siya, nagbago siya... 

Ano nga ba ang napanaginipan niya nuon? kahit si Luke ayaw magsalita about dun. 

I tried to look for my twin sa campus, pero I can't see her. Sinusubukan siyang tawagan nila Russ sa phone pero naiwan niya ang bag niya sa opisina ng club nila. 

"nasan na ba kasi si bestfriend?" sabi ni Russ. "lagot na ko nito kay Karis eh" bulong niya. 

"Pare, kami na muna ang maghahanap kay Cassett, sige na puntahan mo na si Karis" sabi ko.

"Ok, pero... txt nyo ko o tawagan agad kapag nakita nyo na siya ha?" sabi nito kina Eve at Ram. 

"Ano ba to? lagot ako nito kay Tita at Kuya Ice" inis ni Sid sa sarili. 

"relax Sid" sabi ko lang. 

"Wala ba kayong ibang alam na pwede niyang puntahan?" tanong ng wirdong babae, Willow pala ang name nya. Kakaibang mga mata, parang pusa... blue at brown? 

Nagisip muna akong mabuti. Pero wala talaga... 

And then naalala ko ang black book na tinititigan nya nung mga nakaraang araw. Kinuha ko ang bag niya at nanduon nga ang libro. 

"What the? pano napunta sa kanya ang librong yan?" taka ni Willow. 

"ewan ko din eh... pero? alam niyo din ang librong to?" tanong ko. 

Nagkatinginan lang sila Saver at Willow. 

Binuksan ko ang libro. Pero wala duon ang mapa na nakita ng kapatid ko. 

"Isang mapa ba ang nawawala diyan?" tanong ni Saver. 

Napatango ako.

"Kung duon nga pumunta ang kapatid mo, we better hurry" sabi niya. 

"bakit? saan ba patungo ang lugar na yun?" tanong ko. 

"Sa impyerno" sagot nilang dalawa. 

Parang gusto kong mahimatay sa sinabi nila. 

Mas lalong nataranta si Sid sa narinig. 

Nung nagmamadali na kaming nagtungo sa parking lot. 

"Wait? seryoso ba kayo? anong ibig nyong sabihin?" paglilinaw ko. 

"relax... sorry medyo nataranta lang din kasi kami nung makita ang black book at ang lugar na yun, we had some kind of bad memories in that place" sabi ni Willow. 

"bad memories?" taka ko. 

"It was the worst nightmare of our lives" sabi ni Saver.

"but listen... I think Cassett is ok, she's stronger than you know, I can feel that" sabi ni Willow. 

"But you have to hurry too... I think she needs you more than anyone" sabi naman ni Saver. 

And then he gave me the instruction kung saan ang lugar na yun. 

"Una na ko sa inyo Ram" paalam ko. 

"Sige C.K. hurry and be safe" sabi nito. 

"Sid? relax kalang ok... " alam kong sobrang kinakabahan nanaman ito para sa pinsan niya. 

Tumango lang ito. 

Nagmadali na kong nagtungo sa lugar na sinabi ng dalawang wirdong mag jowa. Wow lang ha? parang kinain ko lang din a ng sinabi ko, mas weird naman yata kaming dalawa ni Lacey. How I miss her, for sure alam niya ang dapat gawin sa mga ganitong situation. 

Moon and the Angel Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon