Chapter 28: Image

237 19 7
                                    

MOON POV

"Cassett?" Tawag ko bago ko buksan ang pinto.

"Stop crying, Moon is here" boses mula sa loob.

Pagbukas ng pinto.

Kahit papano, parang may kumurot sa puso ko nung makita ko si Azra na kino-comfort ang kapatid ko. I feel so worthless.
Pero alam kong hindi ako dapat magselos sa dark angel na ito.
Atleast alam kong papano malaki ang naitutulong nya sa kapatid ko.

"Moon?" Bulong ni Cassett.

Lumapit ako sa kanya at inakbayan siya. She lay her head on my shoulder.
"So what now Azra? Any idea kung anong nangyayari saming magkapatid?" Tanong ko.

Napatitig sya kay Cassett.

"For sure may kinalaman ito sa nangyari sa inyo sa campus" sagot nito.

"Sa bloodline band?" Tanong ni Cassett.

"Maybe, but for sure dahil ito kay Shawn" sagot nito. Naalala mo kinuhanan ka ng dugo diba?" Tanong niya.

That reminds me, oo nga pala kinuhanan siya ng dugo para ialay sa serpent of art dahil interesado siya sa talent ng kapatid ko pagdating sa pagpipinta.

"Pero? Ano namang kinalaman dito nun? Hindi ba ang habol naman talaga niya ay ang kakayahan ni Cassett sa art?" Tanong ko.

Hindi agad nakasagot ni Azra.

"May kinalaman din kaya ang painting na nakita natin sa campus ni Rukia? Yung mga picture na hindi ako makita?" Tanong ni Cassett.

Nagkatinginan kami ni Azra.

"Ano nga kaya ang ibig ng mga nawawalang bahagi ng katawan ng mga babaeng kinuhanan ng picture sa may painting?" Tanong ko din.

"Usually ang paniniwala kapag nakita ang isang taong wala ang ulo sa letrato, mamamatay daw ito" sabi ni Cassett.

"O di kaya naman ay may mawawalang malapit sa kanya right?" Dagdag ko.

And then... napatingin sakin si Cassett. Kahit hindi nya ko nakikita.

Naisip mo ba ang naisip ko? Yun ang tumatakbo sa isip naming dalawa for sure.

Tinawagan namin sila Ram through skype.

"O gurl, hwag ka ng umiyak ha? Promise namin tutulungan ka naming bumalik ang powers mo! Para makita mo na ulit si papa Moon" Cheer pa ni Rukia sa kapatid ko. 

Napangiti naman si Cassett kahit papano.

Nag-group call kami.

"Goodmorning babe" bati ko kay Lacey dahil umaga pa sa kanila.

Kahit bagong gising ang mahal ko, sobrang ganda talaga niya.

"Ram already reported to me kung anong nangyayari sa inyong magkapatid at ang kababalaghang bumabalot sa painting sa campus ni Rukia ganun nadin sa mga picture" seryosong sabi nito.

"Lace? Wala man lang bang bati muna dyan na good morning o evening " tampo ko pa.

"Cassett pakibatukan nga yang si C.K" utos pa nito sa kapatid ko.

"I'm afraid hindi ko magagawa yan Lacey hindi ko alam kung nasan ang ulo nya" pilit pang tawa ni Cassett pero halatang lumungkot ang mata nito.

"I'm sorry Cassett, my bad" guilty pa ni Lacey. "Anyway, listen to me, Rukia and Eve? Hindi ba anino ang nawawala sa inyo sa picture?" Tanong nito.

"Oo" sabay na sagot ng dalawa.

"Rukia sana hwag kang maoffend sa mga itatanong ko ha?" Sabi nito.

Moon and the Angel Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon