Chapter 23: Band Battle

242 19 2
                                    

MOON POV

Nagsimula na nga ang laban, marami ding lumahok sa battle of the band. Pero kahit hindi pa man tumutugtog ang Ignition, pakiramdam namin nakatuon na ang pansin nila sa amin. Lalo na kay Cassett. 

"sarap putukin ng mata nito oh" irita na ng kapatid ko kay Vlad.

"sarap ding putulin ang...." gigil ni Rukia.

"ang alin?" tawa ni Eve. 

"yung dila, kanina pa kasi dila ng dila sa labi eh... eewww" sagot ni Rukia. 

"Parang takam na takam sa dugo ah?" bulong ni Saver.

"relax ka lang, hwag kayong pahalatang may masamang balak tayo sa kanila" sabi naman ni Willow.

"Concentrate muna tayo sa performance natin" paalala namin ni Ram. 

"tagal naman kasi nating tumugtog" irita pa ni Eve. 

"Ilan pa ba? bago tayo?" inip nadin si Russ. 

"Isa nalang, bago kayo" sabi ni Karis habang chinecheck ang schedule. "ang grupong S.C band?" 

Biglang naghiyawan ang mga tao. 

"Hmmn? sino ba ang tumutugtog?" tanong ko.

Sabay sabay kaming napanganga nung makita namin kung sino ang mga nasa stage. 

"Sid?" sabay pa kami ni Casset. 

Tumutugtog siya ng drums. Kasama niya si Skyler na may hawak ding guitar at sya yata ang lead vocalist. 

Si Clover naman ay nasa keyboard. 

"ano to? bakit kasali sila sa contest?" taka ni Saver. 

S.C band? Student Council?

Nung sinimulan ang tugtog... 

(Before I let you go by Freestly)

" I can still remember yesterday / We were so in love in a special"

Simulang kanta ni Skyler. Aba? ganda pala ng boses ng mokong na ito. 

"So before I let you go I want to say... I love you"

Napatingin sya sa kapatid ko.

Napatulala naman si Cassett. Hindi ko din alam kung ako lang ang nakapansin pero parang napapatingin si Clover kay Saver. Samantalang si Saver, napapailing lang. 

Hiyawan ang mga tao sa kilig, kung tutuusin nga naman... napaka relax lang ng melody ng kanta nila. At talagang tagos sa puso dahil halata naman yatang may hugot ang pagkanta o pagtugtog nila. 

Pagkatapos ng performance nila nagkaruon muna ng 10 minutes break. 

Sinamantala namam ng Ignition ang preparation. Nakasalubong pa namin ang S.C band. 

"goodluck" sabi nila samin.

"malas ang salitang yan sa stage" sabi naman ni Saver. 

Sungit talaga.

"Oh sorry, break a leg... what I mean" sagot sa kanya ni Clover.

Nasa baba sila Karis at Rukia na kunwari ay audiences.

Kami naman ni pareng Ray ay nasa magkabilaang backstage. 

Kahit papano ay umalalay samin si Shawn dahil nabanggit namin sa kanya ang plano namin. Though na hindi siya formal na kabilang sa grupong Ignition willing naman siyang tumulong. Si Azra naman nawawala nanaman sa eksena, for sure susulpot nanaman to kung saan.

Moon and the Angel Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon