Chapter 45: Crime

211 19 2
                                    

LIAM POV

"Thank you at bumaba ka pa sa Baguio para tulungan ako" sabay lapag ng orange juice at sandwich.

"Actually, halos kasabay nyo lang naman akong nagbyahe pagkagaling nyo ng Mt. Pulag. Hindi ko alam kung nagkataon lang pero... sa strawberry fields palang, pagkita ko sa inyong magkapatid, may kung anong nagflash back at alam kong kakailanganin mo ang tulong ko" Sabi ni Mirage.

Alam kong maiisip ng mga kasama ko na si Mirage ang pupuntahan ko at aakyat sila ng Baguio. Mabuti nalang at naunahan ko ng imessege si Mirage.

"Nasan pala mga kasama mo?" Tanong nya.

Nakikita nya ang nakaraan pero hindi ang hinaharap.

"Ah? May mga inaasikaso din ang mga yun" sagot ko.

Napatitig lang sya sakin.

"Alam mo? Hindi ko kailangan ng special ability para malaman kong may itinatago ka o nagsisinungaling ka" sabay kain lang nya ng sandwich.

Hindi na ko nakakibo at napakamot ulo nalang ako.

"Papunta sila ng Baguio for sure para hanapin ako... at ikaw" sagot ko.

" hindi ako magtataka kung bakit gusto kang pigilan ng kapatid mo na malaman mo ang katotohanan sa nakaraan nyo" sabay inom naman nito ng orange juice.

Napakunot ang noo ko, dahil pakiramdam ko si Lacey lang ang laging tama.

"Look? Willing naman kitang tulungan sa gusto mo, pero handa ka na ba talagang harapin ang nakaraan? Kahit sabihin ko sayong malaki ang kabayaran?" Titig nito sakin.

"Magkano ba?" Tanong ko.

"Woah? I dong need money, excuse me! Mayaman ako echos" tawa pa nya. "Nagaalala ako sa magiging kabayaran ng sumpa nyong magkapatid" seryoso nya ulit.

"What do you mean?" Taka ko lang.

"I thought so? Hindi mo din alam" bulong niya.

"Please... just please, hayaan mo na kong malaman ang past namin" pakiusap ko nalang.

"Hay naku! Naniniwala naman ako na kinakailangan mong malaman yun... kaya lang kasi baka katayin ako ng mga kasama mo eh" simangot nya.

Napayuko ako. I don't know why pero lumuhod ako at umiyak sa harapan niya.

"Just please... help me" pakiusap ko.

"Oh my gosh! Tumayo ka nga Liam! Ano ka ba?" Taranta nya, lumapit ito sakin at pagkahawak nya sa balikat ko.

Napahinto sya.

"Mirage?" Tawag ko. Pero nakatitig lang sya sakin, hindi kumukurap para bang manika siya na nawalan ng battery.

And then tumulo ang mga luha nya. Pagkaalis ng mga kamay niya sa balikat ko.

"I'm sorry Liam..." she shake her head.

"Bakit anong nakita mo?" Tanong ko.

"When I first saw you and your sister  sa Baguio, hindi ko kayo nahawakan but I already felt something strange about your past, hindi lang nga ganun kalinaw, pero ngayon..." she put her hands on my face. "It's very clear, and it's so sad" iyak nya.

Nakikita ko ang awa at lungkot niya para sakin. Ano ba ang nakikita nya?

"Mirage? Help me? I need to remember my past" pakiusap ko.

Napatango nalang siya.

"Come here" sabay akyat namin sa taas.

Parang kabisado niya ang bahay namin.

Moon and the Angel Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon