EVE POV
Aba? akala ko naman mabait ang batang to? parang may hugot ang sinabi nya ah?
Kagigising ko pa naman at wala ako sa mood...
Bigla akong inakbayan ni Ram, at hinaplos ang balikat ko. He knew na mag-eevolve ako into dragon dahil sa batang ito. Bwahahaha! Pero sige na nga I need to calm down dahil kuya nya ang gagawa ng masarap na cake.
"What do you mean?" tanong na mahinahon ni Ram.
"ano kasi... uhmmn" bulol ni Willow.
"Willow! shut up!" sabi ni Saver. At biglang tumikom naman ang bibig ni Willow. "Let's just go, malelate na tayo sa class natin" seryosong sabi ng masungit na poging lalaki na'to.
But then... humarang si Ram sa pinto.
"I think you better explain that to us later, what really happened in this club before" seryosong sabi din ni Ram.
"It's already in the past, at hindi na mahalaga yun" sabi ni Saver.
"I don't think so... you better not to keep some secrets to us" sabi ni Ram. "Mas magiging malaking problema ang mga sikretong hindi naman talaga dapat itago"
"We will explain everything but not now..." sabi lang ni Saver. Sabay bukas ng pinto.
"I'm sorry... promise, sasabihin namin ang lahat sa inyo sa tamang panahon" sabi ni Willow.
"Willow, hurry!" sabi ni Saver.
Kasabay nun, kusang gumalaw ang katawan ni Willow. At naglakad palabas ng kwarto.
Nagkatinginan kami ni Ram.
"Napansin mo yun?" tanong ko.
Napatango si Ram. "looks like she's his doll" seryosong sabi nito.
"she's curse?" tanong ko.
Umiling siya. "no... I think both of them are curse" sagot nito.
"tss... kawawa naman sila kung ganun" bulong ko.
"Well... I think they are already used to it, mukhang enjoy naman yun" sarcastic na ngiti ni Ram.
"talaga lang ha? ok lang bang masanay na namumuhay na may sumpa?" tanong ko. "katakot" bulong ko.
He hold my hands... "Let's go Eve" pilit nitong ngiti.
Napatitig ako sa kanya... bumitaw ako sa pagkakahawak niya.
"naku, sige Ram, may exam pala kami sa next subject ko talaga, I need to go to library para magreview, see you later..." sabay takbo at talikod sa kanya.
Alam kong may naramdaman siyang kakaiba, pakiramdam na iniwasan ko siya. Pero basta... need ko muna talagang mapag-isa.
I'm sorry Ram.
Wala naman talaga akong exam, kung tutuusin, mamya pa next subject ko.
Dumiretso nalang ako sa likuran ng school, malapit sa abandonadong gym. Pero iniwasan kong pumasok dun dahil kukulitin lang ako ng multong si Anya at Ace.
Si Cassett lang kasi ang nakakatagal sa kakulitan ng dalawa. Pero san naman kaya ako pwedeng tumambay?
"ano ba naman to, masyado lang ba kong sensitive?" naalala ko nanaman ang mga salitang binitawan ni Ram.
Alam ko namang loyal sya sa kapatid ko na si Dawn eh, at dahil sa pangako niyang yun kaya lagi nya kong tinutulungan at inaalalayan, kaya lang kasi... sana gawin niya yun hindi lang dahil sa pangako niya sa kapatid ko.
BINABASA MO ANG
Moon and the Angel Of Death
Teen Fiction"Moon" is a guardian ghost na nangakong proprotektahan ang kanyang kakambal na si Cassett mula sa mga kakaibang pangyayari o masasamang elemento sa mundong ito. What if kung makikilala niya at makasama ang Angel of Death bilang isang kaluluwang lig...