Chapter 35: Suitor

243 17 55
                                    

CASSETT POV

"Welcome Ate Candy at Ate Zem" bati ko agad  pagbaba palang nila ng kotse.

"Zem nalang para hindi halatang mas matanda ako sayo ng konti Cassidy" sabi ng hyper na bestfriend nila Kuya Ice.

"Cassett nalang din ang itawag nyo sakin" sabi ko.

"Let's eat dinner first" sabi ni Kuya Ice.

Nandito din sila Sid at Luke? At ang batang si  Hero na kapatid ni Saver.

"Nagpapatulong kasi sila sa art project nila Kuya Ice" sabi ko kay Kuya Ice nung mapansin kong nagtataka bakit nandito sila.

Nagkatitigan pa si Zem at ang classmate ni Luke na si Hero.

Matapos kumain ng dinner. Umakyat kami sa taas, duon namin napagpasyahang magkwentuhan.

"Like we said, hunted ang dorm na tinutuluyan ko, pero nuon wala namang nananakit, ang totoo hindi din naman yata nila sinasadyang manakot" simulang paliwanag ni Ate Candy. "Pero nitong mga nakaraang araw..." halatang natatakot siya. "May kung anong spirits ang nananakot sakin o parang gusto akong..." nanginginig ang boses nya.

"What?" Tanong ko.

"Gusto siyang pagsamantalahan" si Zem ang sumagot.

Nanlamig ako sa sinabi nya.
Rapist na multo? Ibang klase ha? Isumbong yan kay Duterte lol!

"Madalas nagigising ako kapag gabi, dahil nararamdaman kong may humahaplos sa katawan ko, pagbukas ko ng ilaw nakakalas ang mga butones ng pantulog ko" sabi ni Ate Candy.

Inakbayan siya ni Kuya Ice.

"Incubus" bulong mula sa hagdan.

"Luke? Hero?" Tawag ko.

Abat mga chismosong bata.

"Sorry we didn't mean to hear your conversation pero I think we know what you are talking about though" sabi ni Hero.

"Ha? Teka muna... may alam ka din sa mga ganitong bagay?" Tanong ni Kuya Ice.

"Of course, hindi ba ate Cassett, senior mo sila Ate Willow at Kuya Saver?" Paalala ni Hero.

Ah tama! Kuya nga pala nya si Saver.

"Looks like kuya Ice, we need help ng  Ignition Club" suggest ko. "Aminado ako na mas maraming alam ang mga kasamahan ko sa mga ganitong bagay"

Napatango naman si Kuya Ice.

"Hihingan ko din ng tulong sila Ram at Eve, at tatawagan sila... Lace.... uhmmn? Naku busy nga pala yun" kamot ulo ko.

"Eh si kuya C.K?" Tanong ni Luke.

"Si C.K. ang multong kakambal niya tama ba?" Tanong ni Zem.

Aba? Pati yun alam nila?

" hayaan muna natin ang kakambal ko, ayokong istorbohin sila ni Lacey" pakiusap ko.

Nitong mga nakaraang araw, napapaisip padin ako kung bakit hinayaan ni Moon na bumalik si Eclipse, ganun ba katinde ang lungkot na nararamdaman niya.

"Pero C.L? Baka magalit naman si C.K?" Tanong ni kuya Ice.

"Hindi yan" sabi ko. "Sa ngayon mas ok siguro kung magpapahinga muna tayong lahat" sagot ko.

Biglang may bumusina sa gate.

"O Luke, nandito na ang sundo ko" sabi ni Hero.

Sinamahan ko na sila sa may gate.

Moon and the Angel Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon