Chapter 33: Half Moon

267 17 45
                                    

Cassett POV

Nasaan na ko? San naman kaya ako  dinala ng baliw na Shawn na ito?  

Ang dilim...

Moon? Nasan ka naba? Natatakot ako...

Kahit gusto kong pigilan ang mga luha ko, may sariling emosyon ang mga mata ko.  Dala na rin siguro ng pagod at inis.

Nung masanay na ang paningin ko sa dilim, naaninag ko ang paligid, teka? Alam ko ang lugar na ito...

"Pamilyar ba?" Tanong ni Shawn.

Paglingon ko sa kaliwa.

Nakatayo sya at nakatitig sa painting.

"Isa ito sa mga paborito kong painting" sabi nito.

"Wow! So it means, matagal na pala kitang fans?" Sarcasric kong sabi.

Nandito pala kami ngayon sa auditorium ng school ko nung highschool. Nakatitig siya sa painting na ginawa ko nuong school festival.

Ang painting na nagpapaalala sakin nung iniwan ako ni Moon, pero kasabay nun ay mas napatunayan ko ang pagmamahal ng mga kaibigan ko.

Glow in the dark ito, kumpleto pala kami dito sa painting, si bestfriend Ian, Karis, Ram, Rukia, Ray, Lacey, Liam, pati narin sila Justin at Alex. Wala pa sa eksena nun si Dawn at Eve. Pero ang full moon na ipininta ko ang nangingibabaw sa lahat.

(Moon My Guardian Ghost Chapter 29: Beautiful Mess)

Bigla nalang itong hinaplos ni Shawn at pagkatapos, parang may kumakalat na itim na pintura sa bwan.

"Hoy hwag mo ngang babuyin ang painting ko!" Babala ko.

"Masyadong maliwanag ang bwan" sagot nito.

Pero sa inis ko, sinugod ko siya at binigyan ng malakas na suntok. Bakit akala niyo sasampalin ko siya? Naku dapat nga dito pinabubugbog kay Manny Pacquiao. Pati nananahimik kong painting pinagtritripan!

Dumugo ang labi nito.

Tumawa lang siya ng parang baliw. Tsk. Tsk. Malala na talaga to.

Mabilis niya kong sinakal at isinandal sa painting. Naramdaman ko ang sakit ng likod ko.

"I want you to be mine" bulong nito, sabay amoy sa leeg ko.

O bampira naman ba ang peg nitong lolo niyo? o sadyang manyakis lang?

Unti-unti naramdaman ko ang halik nya sa leeg ko.

Ay tae, lakas pa naman ng kiliti ko dito. Natawa ako.

"Hwag ka nga! May kiliti ako dyan!" Pilit kong pigil sa kanya.

He smirked, hinalikan nya ko sa pisngi...

"Let her go!" Sigaw ba yun ni Moon? O ni Eclipse?

Pareho naming hinanap ang boses... wala sa paligid.

Sa itaas.

"Azra?" Sambit ko.

"Kahit kelan talaga ang hilig mong umagaw ng eksena" galit na sabi ni Shawn pero mas lalo nyang hinigpitan ang pagkakasakal nito sakin.

Hindi ako makahinga... nagdidilim na ang paligid ko.

"She's mine now" sabi ni Shawn. "Watch me"

Hinalikan nya ko sa labi, malalim ang mga halik nya, parang hinihigop ang kaluluwa ko, nalasahan ko ang...

Mainit, parang may dumaloy sa dugo ko.

"Cassett?!" Tawag yun ni Moon.

Mabilis nyang sinugod si Shawn at binigyan ng malakas na suntok.

Moon and the Angel Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon