Chapter 34: Miss and Kiss

263 22 85
                                    

A/N

@Beautiful_nightNday at @YulHan04
Thanks sa pagsupport ng stories ko. ^_^

--------

Mabuti nalang at ok na din si papa, nakapagenjoy din kami sa Baguio kahit paano, yun nga lang matapos din ang nakakalokang pangyayari back to normal ang lahat.

Concentrate muna ulit sa studies, kaya keep in touch nalang kami nila Rukia at Ray through messeges o skype.

Ano ba to? Bat parang nabobored ako?

"Cassett, ok lang ba kung pasyalan ko muna si Lacey?" Paalam pa ni Moon.

Susyal talaga ang kapatid ko ginagawang kanto ang America.

"Oo naman, ano ka ba Moon, I will be fine, I know naman na mimiss nyo na ni Lacey ang isa't- isa" ngiti ko sa kapatid ko.

"Just promise me, hanggat wala ako, iwasan mong makisangkot sa anumang paranormal activity" pakiusap nito.

"I'll try" pangaasar mo.

"Cassett!" Bawal nito.

"Oo na, oo na po!" Simangot ko.

Ginulo lang nya ang buhok ko at hinalikan ako sa noo "magpapaalan muna ko kina mama at papa" sabi nito.

"Sige, regards nalang kina Lacey at Liam" sabi ko.

"Ok, by the way  gusto kong surpresahin si Lacey kaya don't mention to her na papasyalan ko siya ok" pakiusap nito.

"Asus... ang sweet mo talaga Moon, ok po sikretong malupit" sabay wink ko sa kanya.

"Take care Cassett" sabay yakap pa nito.

"Ikaw din" paalam ko.

Dumaan ako sa Ignition club, teka? Kakasabi lang pala ni Moon iwasan ko muna ang paranormal activity bakit dito ako pumunta?

Hindi na ako tumuloy. Pagtalikod ko...

"Cassett?" Tawag mula sa likuran ko.

"Sky...ler... oh hi" awkward kong bati.

Napalingon ako agad sa likod nya dahil usually kasama niya siya si Clover.

"May multo ba sa likod ko?" Ngiti nito.

"Ha? Ah... wala" sagot ko.

"Kumusta ka na?" Tanong nito.

"Ayos lang" mabilis kong sagot sabay iwas tingin.

Katahimikan...

Tae!

Awkward moment...

"Ah sige,  pasok na ko sa clubhouse" paalam ko naman.

Pagbukas ko ng pinto.

Caught in the act.

Si Saver saktong hinahalikan si Willow.

"Ay naku sorry!" Taranta kong sabi sabay sarado ulit ng pinto.

Napatulala din si Skyler at namumula, for sure akong nakita din nya ang dalawa.

Naglakad nalang kaming palayo, hanggang sa makarating kami sa lumang gym, kahit na nanduon padin ang obra maestra ko, hindi padin ito pinupuntahan ng mga tao dahil sa pangyayari nung school festival.

Sakto namang nakita kong naglalambingan sila Ace at Anya habang naglalaro ng basketball.

"Ang sweet ng dalawang multong to" bulong ko.

"Sino?" Tanong ni Skyler.

Napailing lang ako.

Nung mapalingon kami sa isang isle.

Moon and the Angel Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon