A/N
Hey readers ^-^
Kung mapapansin nyo minsan nagiinclude talaga akong mga music o songs sa mga story ko, minsan kasi dahil sa mga songs na yun naiinspire akong magsulat. May mga songs na hindi familiar, o old songs, just try to google it. ^-^
-----------------
CASSETT POV
O sino naman kaya ang mga ito na gustong maging extra sa kwento namin?
"Hindi ba siya si Obra?" Tanong ni Ian.
"At siya naman si Pastel" turo ni Ram.
"Bakit magkasama ang serpent of arts at angel of arts?" Tanong ni Moon.
Oo nga noh? Napakaironic naman. Isa pa akala ko tinapos na ni Azra si Obra nuon natrap kami sa painting.
"Well, pareho lang naman kasi kaming nakaamoy ng kapatid ko ng kakaibang pagtatanghal" sagot ni Obra.
Oo nga pala... hindi ito nakakakita pero matalas ang pangamoy nila.
Hindi ko malaman kung aso ba siya ni Lucifer. Ang tindi kasi ng pang-amoy.
"You are not invited in this festival" sabi ni Saver.
"Oh really? But it's a halloween festival right? The pumpkin king invited us here" tawa naman ni Pastel.
"Pumpkin who?" Tanong naming lahat.
"Hari ng mga kalabasa?" Tawa ni Rukia. "Gosh! Ano kayang itsura nun? Mala-jack o lantern na face?" Tawa nito kasama si Eve.
"Rukia, you better be quiet" bulong ni Azra sa kanya.
"Hey, wazzup! Long time no see my favorite angel" boses mula sa kung saan nanaman.
"Labas na, Trick!" Sigaw naman ni Moon.
"Woah! How cool, nandito ang paborito kong multo" sabi naman ng boses.
Paglabas nga nito.
"What the... oh my god!" Sabi ng mga girls.
Nasa likuran pala siya ni Mirage.
"Yan ang hari ng mga kalabasa?" Tanong ni Karis.
"Pumpkin King? so.... gwapo!" Kilig ni Eve.
"Oh my , kung ganyan naman pala kagwapo si Jack o lantern, jusme... pati sa araw ng pasko isasabit ko siya sa christmas tree ko" kilig ni Rukia.
Napailing lang ang mga boys.
Oo nga ang gwapo nya? kahit makapal ang black eyeliner nya at medyo may konting dark rim sa mata nya para lang siyang cool na prinsipeng kulang sa tulog. Pumpkin King? well... oo at medyo orange, yellowish ang buhok niya. But it's warm.
"Meet the Nightmare before Christmas, the Pumpkin King " pakilala ni Pastel.
"Trick" sabay pa sila ni Obra.
"yow?" Bati at hikab lang ni Trick.
"He is the Angel of Hallowed evening o Halloween" sabi ni Azra.
"Trick? so sa kanya galing ang Trick or treat?" tanong ni Karis.
"who knows" kibit balikat lang nila ni Moon.
"we are not here para manggulo, we just want to entertain ourselves, we are so bored(hikab uli) . They are just celebrating my festival just like the same ways over and over again, nakakasawa " malumanay nitong sabi. "Pero dito... maraming interested na tao o entity , I have to stay awake" sabay hawak pa nito sa balikat ni Mirage at titig nito sakin, kay Moon at Azra.
![](https://img.wattpad.com/cover/51515301-288-k419360.jpg)
BINABASA MO ANG
Moon and the Angel Of Death
Ficção Adolescente"Moon" is a guardian ghost na nangakong proprotektahan ang kanyang kakambal na si Cassett mula sa mga kakaibang pangyayari o masasamang elemento sa mundong ito. What if kung makikilala niya at makasama ang Angel of Death bilang isang kaluluwang lig...