Chapter 21: Show and Spell

249 17 2
                                    

CASSETT POV

Sa gulat at takot ko, napaatras ako sa sulok ng stage at...

"Are you ok?" tanong ni Azra at Shawn na mabilis akong nasalo.

Napatango nalang ako.

"OMG! friend nakakaloka ka! nung umalis ang isang prinsipe, dalawang knight in shining armor ang pumalit ha?" kilig ni Rukia.

GYM lamunin mo na nga ako! pinagsasabi nitong luka-lukang friend ko talaga.

"sige na simulan na natin ang practice" sabi ko.

Matapos ang practice.

"tama na muna to, ang hirap labanan ng lullaby voice mo Cassett" hikab ni Willow. "kapag mas bigay todo ang pagkanta mo, doble din ang epekto nito" sabi nya.

"friend! nakakaloka ka! ganyan pala ka-unique ng boses mo" tuwa naman ni Rukia.

Napangiti nalang ako.

"o siya at magsipaguwian na muna para makapagpahinga na tayo, bukas na ang school festival, it's time for show and spell" sabi ni Saver.

"ang cool nun pare ah Show and Spell, nice!" hanga pa ni bestfriend.

Nung palabas na kami ng campus.

"ano ba naman yan Cassett, ngayon ka pa nagpapiggy ride sa kapatid mo" natatawang sabi ni Karis.

Eh kasi naman itong si Azra ang lakas mangasar. Bakit kasama padin nya ang asong yan... hanggang sa parking lot tuloy karga karga ako sa likod ng kapatid ko.

"ano ba kasing balak mo dyan sa asong yan" tanong ko.

Bigla lang syang napatingin sakin, tinitigan nya ko...

"It's my gift to you" seryosong sabi nya.

Aiiiiiiiiiii!!!! kilig ng mga kasama ko.

Binatukan lang ni Moon si Azra.

"gift? bakit? birthday ko ba?" pero sa totoo lang na-touch naman ako.

"Bakit? tuwing birthday lang ba nagbibigay ng gift?" inosenteng tanong niya.

Nagkatinginan kaming lahat.

"Hindi naman Azra, basta kapag importante naman sayo ang isang tao, kahit kelan pwede mo siyang bigyan ng regalo" sabi ni Willow sa kanya.

"So you mean importante sayo si Cassett?" kilig ni Rukia.

Hindi naman kumibo si Azra.

"pwede din naman na binibigyan mo ng regalo ang isang tao dahil gusto mong maging special ka sa buhay nya, o special sya para sayo" sabi ni Ram sabay akbay pa kay Eve.

Inilapit ni Azra ang tuta, at dinilaan ako nito. Gusto kong mahimatay... pero parang... ok na rin.

"gusto ko..." bulong ni Azra.

"Gustong mong... ano?" tanong ko.

Naghihintay kami sa sagot niya nung biglang tumunog ang phone ko.

"patay, sorry we really need to go home, Moon... si Papa nasa bahay ngayon" sabi ko.

"lagot!, dali... Ram? hatid mo naman kami oh?" pakiusap nito sa bestfriend.

"Sure, no problem" sagot naman ni Ram.

"o siya, kita kits nalang bukas" sabi ko.

Pagsakay sa kotse.

"Teka!" pigil ko pa kay Ram. "hoy Azra, nasan na yang regalo mo?" sabi ko.

Napangiti siya.

Iniabot nya sakin ang tuta, takot padin ako pero somehow, parang kaya ko na siyang hawakan.

Moon and the Angel Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon