Chapter 11: Pain

272 20 4
                                    

MOON POV

"Cassett! gumising ka na" sigaw ko sa tulog mantika kong kapatid. Tulo laway pa.

Kawawa naman ang teddy bear na si "moon" na binigay ng barkada namin nung iniwan ko si Cassett.

"Azra...." bulong nito.

What the F? bakit naman yun pa ang nabanggit niyang name?

"Moon?" iyak nito bigla?

"Cassett?! wake up!" pilit kong gising sa kakambal ko.

And then bigla nalang itong nagsisisigaw... binabangungot na sya.

"Cassett!!!" sigaw ko habang tinatapik ko ang balikat niya.

"Cassett?" sabay pasok nila mama at Kuya Ice sa kwarto namin. "Siya ba ang sumisigaw?" pag-aalala nila.

Pero hindi padin nagigising si Cassett.

"sinasaniban ba siya?" tanong ni Kuya Ice.

"No, she's just having a nightmare" sabi ko.

"nightmare lang ba to anak?" pag-aalala ni mama. "Lunette anak? gumising ka" naiiyak na si mama.

Biglang binuhusan ng tubig si Cassett.

"Luke?" sabay sabay pa naming sabi.

Nagising naman si Cassett, hiningal ito at hawak ang dibdib... hirap itong huminga.

Napayakap siya kay mama.

"Ate Cass?ok ka na ba?" sabi ni Luke.

Napatango lang si Cassett.

"C.L? anong napanaginipan mo?" tanong ni Kuya Ice.

Napatitig siya kay Luke.

"Kasi Kuya Ace (Ice) ... nagkita kami ni ate Cass sa astral world" takot nitong sabi.

Si Luke ay ang bunso saming magpipinsan, he has this ability na tinatawag na Astral Projection, nakakapaglakbay ang kaluluwa niya kapag tulog siya. He can controll it actually.

"Naliligaw kasi siya, mabuti nalang at nakita ko siya... pero nung lalapitan ko na siya dapat..." bigla siyang napahinto sa pagkwekwento, halatang natatakot siya.

"Luke" bulong ni Cassett. "Thank you..." sabay yakap sa bunso namin.

"Promise ko sayo ate... I will protect you" iyak ng bata.

Ano kayang nangyari talaga? Bakit ganun? hindi ko man lang matulungan yata ang kakambal ko ngayon?

"Ma, Kuya Ice, Moon... ok na po ako, magready na po ako para pumasok" sabi nito.

Nagkatinginan kaming lahat. Napatango nalang kami.

Pagkababa ni Cassett. Nanunuod ng tv si Luke at nabalita nga ang nangyari sa school nila Sid.

Nahulog pa ni Cassett ang kutsara nya habang kumakain ng cereal ng makita kung sino ang iniinterview nila.

Ang bandang Bloodline nagspeech at kunwari pang nalulungkot sa pangyayari.

"We dedicate this song for those people who passed away in this tragic incident" sabi nito, sabay tugtog.

(Is Anybody There by The Script)

Shit!

Napasigaw nanaman si Cassett at hawak nanaman ang tenga niya.

"Luke turn off the t.v" sigaw ko.

Pero nakatitig lang ang bata.

"Luke?!" sigaw ko ulit.

Biglang may humagis ng bola ng basketball sa t.v at bumagsak ito.

Moon and the Angel Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon