Chapter 54: The Play

256 20 3
                                    

KARIS POV

Ibang klase din naman ang nagsulat ng play ha? kung sabagay originally ang mga fairy tale stories naman ng mga Grimm's Brother ay totoong creepy, madalas lang ginagawang happy ending ng Disney, pero kung babasahin ang mga original stories, may pagka-brutal at hindi lahat ay happily ever after. 

Oh well, I'm so honor dahil kasali padin ako sa play ng Igniton kahit hindi ako student sa school na ito, lakas ba naman ng backer namin, si Saver ang anak ng Dean. 

Infairness at dalawa pa talaga ang role ko, Briar Rose/Sleeping Beauty at narrator. Kung sabagay habang nagtutulog si Aurora, eh nagpapart time ito bilang tagapagsalita lol!

(Briar Rose, sa ibang libro mas kilala ito sa Sleeping Beauty)

"Karis, let's go na, we have to put on your make up na" sigaw ni Rukia, na pinaka excited saming lahat. 

Busy busyhan ang lahat, sa pagaayos. Ilang araw din kaming laging pagod dahil after ng mga classes, practice at pagaayos ng costumes at props. Mabuti nalang at malaki na ang bilang ng tropa. Pati ang mga pinsan ni Cassett na si kuya Ice at ang girlfriend nitong si ate Candy at ang kaibigan nilang si Zem, tumulong samin. Not to mention ang mga multong si Anya at Ace sumali sali din. 

Maraming iba't-ibang activities sa universities, pero napuno din ang theater art ng school dahil sikat sa campus ang ibang cast, tulad nalang ng boyfriend ko na si Russ syempre, si Ram, Liam at Saver, mga heartthrob ng campus. Naku pano pa kaya kung nakikita nila si Moon. 

Kung gaano naman kinikiligan ang mga boys, ganun naman ka-weird ang mga babae, well, kilala naman si Lacey sa pagiging hot and devilish beauty, yun lang super taray nito sa iba. At pagdating naman kina Willow, Eve at Cassett... hayun makikita mo ang napakalaking QUESTION MARK sa ulo ng nakararami, "bakit sila ang mga kasama ng mga heartthrob boys?"  "ano kayang gayuma ang ginamit nila?" "kinulam siguro nila ang mga lalaking to?" 

Mga ganung nonsense na tanong? well sorry nalang sila! Proud ang mga girls na ito sa pagiging weird kaya nga sila nagustuhan ng mga boys eh... well kabilang pala ko dun ahaha.

Abangan nalang nila ang palabas ng IGNITION to the next level!

----------

It showtime! 

Maiingay at nagdadaldalan padin ang mga manunuod.

(light's out) Tumahimik ang lahat hindi ko alam dahil ba sa alam na nilang magsisimul ang play o napatahimik sila dahil nagsimula ang tugtog mula sa sikat na pelikula ng mga pating na Jaw. 

Ewan ko ba naman kung sinong nakaisip ng pang bungad na tugtog. Ay ang pasaway ko palang boyfriend na si Russ. 

Karis/Narrator: Pagkatapos ng napakaraming Once upon a time sa mga kwento at nagtatapos sa Happily ever After. May isang prinsesa padin ang mahimbing na natutulog, isinumpa siya ng isang wicked witch, oo at kilala nyo siya, siya si Sleeping Beauty. Ang prinsesang nagkaruon ng nobela at pelikula dahil lang sa pagtulog. 

Natawa ang mga audience. 

  Karis/Narrator: Sa kabilang banda sa kagubatan, may dalawang batang naglalakbay at hinahanap ang daan papunta sa kanilang tahanan, ang kambal na sila Hansel at Gretel. Matapos tapusin ni Gretel ang mangkukulam at mapakawalan si Hansel, naglakbay ulit ang dalawa pauwi, ngunit sa kasamaang palad, dahil sa sobrang katabaan ni Hansel, namatay ito at ngayon ay isa nalamang siyang multo.

Lumabas si Cassett, at hawak hawak ang kamay ni Moon.

Hindi nakikita ng karamihan ang multong si Moon, kaya hangang hanga sila sa pag acting ni Cassett.

Moon and the Angel Of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon