A/N: Sa mga nakabasa na po ng prologue thank you thank you so much
I hope you comment and vote.. :)
CHAPTER ONE (THEY MEET AGAIN)
*YAAAAWWWNNN*
Panibagong umaga, panibagong gawain. Ang hirap pala maging Student Council President sana hindi na ako tumakbo, yung mga bwisit ko kasing kaibigan pinilit ako akala nila kapag naging president ako hindi ako magiging strict. Well, nagkamali sila dahil mas lalo pa akong naging mahigpit katulad na lang ng...
-bawal maglandian sa hallway o sa loob ng classroom
-bawal ang tumatambay sa hallway pag time na
-bawal ang makipag away
-bawal ang sigarilyo o anumang klase ng alak at ng drugs
Basta marami pang iba, buong Student Council ang nagdesisyon at hindi lang ako kabutihan lang naman ng school ang iniisip namin at para madisiplina ang mga barumbado naming kamag- aral . Mabuti na lang at nasisindak ko rin ang mga iyon. Ginawa ko na ang morning rituals ko, naghilamos, nagtoothbrush, kaunting ayos bago ako bumaba na at kumain
IN DINING ROOM
"Nay Sita, where's Warren?" tanong ko sa katiwala namin dito
"Ma'am Gina nauna siyang umalis may importante daw gagawin" sagot niya, nagpatuloy na lang ako sa pagkain.
Si Warren akala mo busy talaga. Alam ko naman na may nililigawan na siya kaya bakit pa kailangang i-sekreto? Kapatid niya ako, what would he expect from me? Before I forgot ako nga pala si Georgina Alvarez, 18 years old and senior high student. Isang mayaman , maganda, matalino, masipag, mabait at friendly.
----
In ST.LUKE UNIVERSITY
Pagdating ko dito ay sinalubong agad ako ni Janna at Maila. "Gina, ang tagal mo naman mamumuti na ang mata namin dito sa kakahintay sayo," iritadong sabi ni Janna, akala mo talaga naghintay ng matagal.
"Ang alam ko gusto niyo lang makakita ng mga gwapo idadahilan niyo pa ako. Sinabi ko bang hintayin niyo ako?" cold na sabi ko
"Joke lang naman highblood agad si Ms. President," matawa tawang sabi ni Maila
Nagdiretso na lang ako sa paglakad at yung dalawang iyon ay nakasunod lang sa akin. Mas mabuting layuan ko na sila bago pa ako tuluyang mabaliw.
"Gina, alam mo ba na may bagong student dito?" saad ni Maila
"Alam mo ba ang gwapo niya, sobrang gwapo daw," dagdag ni Janna na kinikilig pa
"Kayong dalawa wala akong pakialam kung sino yung sinasabi niyo, kahit kamukha pa yan ni Daniel Padilla wala akong pakialam, Gets niyo ba?" mataray kong saad at inirapan sila.
"Hindi namin alam kung bakit napakabitter ng Ms. President," sinamaan ko siya ng tingin. Nakakainis sila ayoko sa lahat ang sinasabihan ako ng ganoon kahit alam ko na totoo.
"Maila, I don't want to argue with so, better shut your mouth okay?" paglilinaw ko na ikinatango nila
Nagdiretso na lang ako sa SC Office at saktong pagpasok ko doon ay nakita ko silang seryosong nag-uusap. Napahinto lang sila ng makita ako. Hindi ko ba dapat marinig ang pinag-uusapan nila? Napailig na lang ako at pumunta sa table ko.
"Ituloy niyo lang ang pag-uusap niyo," walang ganang sabi ko sa kanila
"Gina okay ka lang ba?" tanong ng Vice-President namin na si Joshua
BINABASA MO ANG
I'm Still Inlove With My Ex
Подростковая литератураThere are many people who can't move-on or it takes a lot of time before they forget someone, either romantic love, family or friend. The big question is why there's a people like them? Why do we need to let go of someone whom we can't live without...