CHAPTER THIRTY ONE

22 1 0
                                    


CHAPTER THIRTY ONE
(FINDING GINA)

                           JIN POV

Napatingin ako dito kay Van na tulala lang sa kawalan. Naging tahimik siya ng ganyan simula nung kinausap siya ni Marga. Tinatanong ko kung ano ang pinag-usapan nila pero ayaw niya akong sagutin

Mabilis lang na lumilipas ang araw at halos magtatatlong linggo na ring nawawala si Gina kinocontact ko rin siya pero walang sumasagot

"Van, alam mo ba kung nasaan si Gina?" Lakas loob kong tanong dahil feeling ko may alam talaga siya hindi niya lang sinasabi

"Hindi ko alam" tanggi niya

"Van, hindi naman na ako bago sayo kaya magsalita kana nag-aalala ang pamilya niya sa kanya hindi ka ba nag-aalala?" Anas ko na ikinailing niya

"Kung nasaan man siya maganda ng nandoon na lang siya. Kung gusto niyang matahimik manatili na lang siya doon" doon?

Lumapit ako sa kanya at hinarap ko siya sa akin na ikinatingin niya naman

"Van nasaan si Gina? Sabihin mo na! Kung wala kang pakialam sa kanya maawa ka naman sa mga nag-aalala sa kanya" tinabig niya ang kamay ko at sinamaan ako ng tingin

"Wala akong alam kung nasaan siya! Bakit ba feeling niyo ako na lang lagi ang may kasalanan?" Sigaw niya na ikinagulat ko

"Van..."

*KRIINNGGGKRINNNGGG*

Napatingin ako sa cellphone niya at nakita ko yung pangalan ni Gina doon. Wala daw siyang alam

Kukuhain ko na sana iyon pero inagaw niya agad sa akin

"Bakit hindi mo sinagot? Si Gina yun diba? Sagutin mo!!" Anas ko pero iniwasan niya lang ako ng tingin

"Hindi siya yun. Umalis kana nga lang Jin kung sisisihin mo lang din ako" napabuga na lang ako ng hangin nun

"Van... Sabihin mo na kung nasaan siya ako na ang pupunta sa kanya" hindi siya nagsalita nun

*KRINNNGGGGGKRINGGG*

"Hindi siya ang tumatawag. May ibang gumagamit ng cellphone niya. Naiintindihan mo?" Napakunot ang noo ko nun

"Giovanni, hindi na ikaw yung Van na kilala ko noon siguro nga tama si Gina wala kanang puso" tumayo na ako nun at lumabas na lang ng bahay niya

Hindi ko na alam ang gagawin ko para mapag-ayos silang dalawa. Napapagod na ako siguro ganoon din si Gina pagod na siya para humarap pa sa amin

               MARGARETTE POV

Pagdating ko dito sa may rooftop ay nakita ko agad si Jace na nakaupo at nakapikit

Hindi siya umiimik all this time pero noon hindi sila mapaghiwalay ni Gina

Tumabi lang ako sa kanya at tumingin sa kawalan. Sana hindi rin ako namomroblema tulad niya

"Hindi mo ba tatanungin kung ano na ang balita kay Gina?" Basag ko sa katahimikan

"Walang dahilan para tanungin pa kita obvious naman sa paghinga mo pa lang" kalmado niyang saad

"Naging magkaibigan din kayo hindi ka ba nag-aalala sa kanya?" Tanong ko

"Kung gusto niyang lumayo hayaan niyo siya hindi ba mas maganda yun kaysa nandito siya at paulit-ulit na sinasaktan ng mga taong minsan niyang pinahalagahan" napatingin ako sa kanya pero nakapikit pa rin siya

I'm Still Inlove With My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon