CHAPTER EIGHTEEN (CUBICLE)
Nandito kami ngayon ni Mr. Stealer sa may sinehan at nanonood lang ng romcom na movie at iyak tawa lagi ang ginagawa ko kahit wala namang dapat ikaiyak. Hindi ko alam pero simula nagkasama kami kanina wala pa akong kinukwento sa kanya buti na lang at hindi niya ako kinukulit at nakikisakay na lang sa akin.
"Gusto mo na bang umuwi?" tanong niya pero umiling ako
At saka masyado pang maaga para umuwi hangga't maaari gusto ko munang palipasin yung sama ng loob ko, baka makahalata si Warren at kung ano-ano pa ang tanungin. Mas gusto ko namang ako lang ang nasasaktan kaysa ang kapatid ko at si Daddy
"Mine, kanina ka pa tahimik. Nagyaya ka dito pero mukhang hindi naman sa palabas ang focus mo kung hindi sa ibang bagay" komento niya nang hindi lumilingon sa akin
"Stealer, gusto kong umiyak" wala sa sariling saad ko
Nagulat na lang ako ng inespread niya yung kaliwang kamay niya kaya nagtataka akong tumingin sa kanya
"Alam kong ayaw mong makita ka ng ibang tao na umiiyak kaya lumapit kana. I told you before that I can be your shoulder to cry on, just go and cry as long as you want" hindi na ako nagsalita pa at sumubsob na lang sa dibdib niya at doon umiyak ng umiyak habang siya nakaakbay lang sa akin at tinatap ang likuran ko
Laking pasalamat ko rin sa pinapanood namin dahil mga tawa nila ang nangingibabaw at hindi ang iyak ko. Mabilis na lumipas ang ilang minuto at hindi ko namalayan na tapos na pala yung palabas kaya inayos ko na lang ang sarili ko.
"Siguro naman okay kana kahit konti ngayon?" panloloko ni Stealer
"Medyo okay na ako" humiwalay ako sa kanya
"Buti naman akala ko magbabaha na dito dahil sa kadramahan mo," hinampas ko siya sa inis
"Lumabas na tayo gusto kong kumain?" nauna na akong tumayo at bigla niya na lang akong inakbayan na ikinalingon ko sa kanya
"Mine, date ba natin ito?" hahampasin ko sana ulit siya pero nahawakan niya na yung kamay ko
"Bitawan mo nga ako baka anong isipin ng iba diyan," reklamo ko
"I don't care, you're mine" kinindatan niya pa ako bago ako hinatak palabas ng sinehan.Habang papunta kami sa isang fast food chain ay may nakasalubong kami na hindi inaasahan
"Gina, you're here din pala and you're Jace right? Her boyfriend" ang arte talaga ng Kiela na ito ingudngod ko kaya ang mukha niya? Pasalamat na lang siya kasama niya si Van dahil kung hindi natirada ko na ang mukha niya
"Yeah, and you're Kiela? Van's girlfriend? First time ko lang ulit kayong makita na magkasama. You look good together" saan banda? Ang pangit ng babaeng iyan
"Buti naman naaalala mo pa, ano bang ginagawa niyo dito?" tanong niya
"We're on a date, kayo rin ba?" napaiwas na lang ako ng tingin at hinayaan silang mag-usap
"Oo, actually naghahanap kami nang makakainan katatapos lang kasi naming magwindow shopping" maarteng anas ni Kiela
"Papunta kami sa fast food chain na malapit baka gusto niyong sumabay na lang? The more, the merrier nga 'di ba?" pagyaya ni Stealer sa kanila
BINABASA MO ANG
I'm Still Inlove With My Ex
Roman pour AdolescentsThere are many people who can't move-on or it takes a lot of time before they forget someone, either romantic love, family or friend. The big question is why there's a people like them? Why do we need to let go of someone whom we can't live without...