CHAPTER TWENTY ONE

35 4 0
                                    

CHAPTER TWENTY ONE (DIFFERENT GINA)


*ST. LUKE UNIVERSITY*


Pagdating ko dito ay sinalubong agad ako ni Maila at ni Janna. "Ms. President ang tagal mong absent at parehas pa kayo ni Van," anas ni Janna pero hindi ko sila pinansin at nagpatuloy lang sa paglakad

"Hinahanap ka ni Mrs. Howle kahapon para daw sa camping iyon" dagdag pa ni Maila

"Alam ko na iyon. Teka, bakit ba kayo sunod ng sunod sa akin?"

"Wala lang namiss kaya namin ang masungit naming President" panloloko ni Janna

"Sabihin niyo gusto niyo lang ulit ako umabsent para magawa ang gusto niyo tama ba?" hindi sila nakaimik at nagkatinginan lang

"Gina naman hindi kami ganoon, slight lang" anong pinagkaiba ng sinabi ko sa sinabi nila?

"Huy, si Van kasama niya ang girlfriend niyang linta kung makadikit. Tsk" napatingin ako sa tinitingnan ni Maila at nakita ko nga si Van kasama si Kiela

"Pupunta ako sa SC Office mauna na kayo" saad ko

"Okay, basta Ms. President sa bundok tayo magcamping doon sa patag at mapuno para maraming activity ang magagawa," request ni Janna

"Ako ba magdedesisyon? Nakadepende sa fund natin iyon at kung hindi kayang abutin kahit saan tayo" saad ko at umalis na rin.


*SC OFFICE*


"Gina buti pumasok kana nasa table mo yung mga napag-usapan namin tingnan mo na lang at baguhin kung gusto mo" saad ni Joshua ng hindi tumitingin sa akin

"Ano bang ginagawa niyo?" tanong ko

"Naghahanap lang kami ng mga activity na pwedeng gawin sa loob ng tatlong araw na camping. Hinayaan ni Mrs. Howle na magrequest ang mga estudyante sa senior high kaya ito tinitingnan namin isa-isa," paliwanag ni Kathy

"Tutulungan ko na kayo diyan" presinta ko

"Huwag na mag- focus kana lang diyan sa gagawin mo," anas ni Louie


Hindi na ako umimik at umupo na lang sa upuan at tiningnan yung papel dito. Mga napagmeetingan lang nila ito at base sa nakasulat dito sa isang abandoned island gaganapin ang camping at tatlong araw kami doon, libre na pagkain at tubig pero may fee na babayaran and 500 each student. Simpleng camping lang naman iyon bakit kailangan paghandaan pa? At tatlong araw? Paano kung sumama si Van doon? Mas lalo lang akong mahihirapan pero bilang President kailangan kong maging present doon.


"Ano sa tingin mo Gina?" tanong ni Trina

"Okay naman! Pwede ng ipasa ito kay Mrs. Howle" anas ko

"Nakita na ni Mrs. Howle iyan gusto lang namin na malaman mo at baguhin kung may gusto ka man," tumango na lang ako sa kanila

"Bakit absent ka ng dalawang araw? Hindi ka naman nagpasa ng leave of absence" tanong ni Joshua

"Personal reason,"

"Hindi sila nakikinig sa amin Gina kung alam mo lang kung gaano ka-wild ng mga students dito sa loob ng dalawang araw maiistress ka talaga" reklamo ni Lea

I'm Still Inlove With My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon