CHAPTER FOURTEEN (Evil Mother)
* KRINGGGG*
Napatulakbong ako ng kumot dahil sa ingay ng alarm clock. Pasalamat na lang iyon wala ako sa mood na ibato siya kung hindi ba-bye na naman siya sa akin.
"Gina tumayo kana diyan, hindi ka ba aware kung anong oras na?" siga ni Marga na araw-araw ko na atang alarm clock yung bunganga
"Tumahimik ka nga hayaan mo muna akong matulog," angal ko
Nagulat ako ng bigla niyang hilain yung kumot ko at walang awang hinila ako na siya namang ikinahulog ko sa kama. NAsaan ang hustisya sa babaeng ito? May puso pa kaya siya?
"ARAY! ANO BA MARGA? ANG SAKIT KAYA" angal ko at tumayo habang himas-himas yung balakang ko na napuruhan talaga
"Well, deserve mo iyan couz' maligo kana, kumain at magbihis mauuna na kami ni Warren at saka huwag kang paimportante. Bye!" napairap na lang ako sa sinabi niya.
_____________________________________
*ST. LUKE UNIVERSITY*
Pagdating ko pa lang sa school ay napabuga ako agad ng hangin lalo na ng makita ko si Van kasama si Kiela. Sa lahat ba naman ng bubungad sa umaga ko iyong dalawang asungot pa.
What a perfect couple!
"Ms. President naibigay mo na ba yung approval letter?" tanong ni Kathy na siyang sumalubong sa akin
"Hindi pa! Ibibigay ko pa lang" saad ko
"Nga pala yung SC Office pagdating namin magulo na, lalo na yung desk mo pinapa-check na namin sa CCTV yung video," talaga nga naman walang magawang tama ang mga estudyante na ito
"Magre-request ako sa Principal para ayusin ang SC office at kapag nahanap niyo ang gumawa ng mga iyon, sabihin niyo agad sa akin" tinap ko lang ang balikat niya bago pumunta sa Principal's Office
Pagdating ko dito ay nakabukas ng bahagya iyong pinto. Hindi naman nila iniiwang bukas yung pinto baka nakalimutan lang nila. Papasok na sana ako ng may marinig akong pamilyar na boses.
"Mrs. Howle, It's nice to see you finally"
"Same to you Mrs.Alvarez, ang laki ng tulong niyo sa eskwelahang ito kaya nagpapasalamat akong nakarating kayo dito,"
"Wala iyon pero sana hindi malaman ni Georgina na pumunta ako dito alam mo naman ang batang iyon matigas ang ulo,"
"Asahan niyo iyan"
"Iyong about kay Giovanni Javier, sinigurado niyo na bang aalis na siya sa school na ito?"
BINABASA MO ANG
I'm Still Inlove With My Ex
Novela JuvenilThere are many people who can't move-on or it takes a lot of time before they forget someone, either romantic love, family or friend. The big question is why there's a people like them? Why do we need to let go of someone whom we can't live without...