CHAPTER THIRTY EIGHT
(SPEECHLESS)*AFTER 1 WEEK*
"Ito na ba yung school na papasukan natin?" Tanong ko pagkahinto ng taxi
"Yeah! Sumunod kana baka malate pa tayo" moody na naman siya napairap na lang ako at sumunod sa kanya
Habang naglalakad kami papasok sa loob ay napapansin ko agad ang pagtingin nila sa pwesto namin. Ngayon lang ba sila nakakita ng maganda?
"Hey, handsome!" Nagulat ako ng biglang may umakbay sa lalaking iyon
"Oh, hi!"
"New student?"
"Yeah!"
"I'm Jade Huddingson and you are?" Tanong niya
"Henrick Jung it's nice to meet you here Ms. Beautiful" beautiful? Ayan ang definition ng beautiful sa kanya? Aba! Ang baba naman ng standard niya o sadyang hindi lang siya marunong kumilatis ng maigi
"Thank you and your quite handsome too" dahil hindi ko na matake ang nakikita ko ay dumaan ako mismo sa gitna nila at naunang maglakad
Akala ba nila sila lang ang naglalakad dito? Hindi sila VIP para hintayin ang kapal ng mukha sa gitna pa ng daan nagpurihan
Pagbuhulin ko pa kayong dalawa diyan
"Yah! Bakit nauuna kana" bigla niya akong inakbayan nun na inalis ko naman agad
"Masama na bang ako ang mauna? Doon kana sa Ms. Beautiful mo bagay kayo" inirapan ko ulit siya at nagpatuloy sa paglakad
"Gia..." Napahinto ako ng banggitin niya iyon
"Don't call me that name" seryoso kong saad
"Why? It's beautiful, Gia" sinamaan ko siya ng tingin nun at hinampas bago tumakbo palayo sa kanya
First time na nga lang akong tawagin sa pangalan ko tapos ganoon pa? Hindi ba siya nakakahalata? Si Van lang ang tumatawag sa akin niyan at hindi niya pwedeng gamitin iyon
"Yah! Lagpas kana sa room saan ka pupunta? Alam mo ba ang pinupuntahan mo?" Hilig niya ba akong ipahiya? Buti na lang mga englishera ang mga tao dito
Lumingon ako sa kanya nun at sinenyasan niya na naman akong lumapit sa kanya kaya bumalik na lang ako pero hindi ko siya tinitignan
"I said don't go away from me right? Tsk. Parang pangalan lamg nag-eemote kana. Yung ex mo lang ba ang may karapatan na tawagin ka sa ganoon?" Hindi ba obvious?
"Oo, importante siya sa akin kaya hindi mo pwedeng gamitin iyon" ani ko
"Psh! Non-sense" nauna siyang pumasok kaya sumunod na lang ako at tumabi rin sa kanya
Kaso ang kumag na ito pinagkaguluhan na naman na naman ng mga babae kaya napayuko na lang ako
Ganyan na ba lahat ng babae dito mga hindi marunong dumistansya
"Where are you from?"
"Are you single?"
"Your so handsome"
"Wanna hang-out with us later at the restobar"
"Restobar? Sure no problem"
Pumayag agad siya? Nakakainis talaga siya kahit kailan. Isinusumpa ko siya sa kalandian niya
BINABASA MO ANG
I'm Still Inlove With My Ex
Ficção AdolescenteThere are many people who can't move-on or it takes a lot of time before they forget someone, either romantic love, family or friend. The big question is why there's a people like them? Why do we need to let go of someone whom we can't live without...