CHAPTER FORTY SEVEN
(FAMILY MATTERS)*IN PRISON*
"Anong ginagawa mo dito? Nandito ka para ipamukha sa akin ang pagkatalo ko" napairap ako sa inasta ni mommy
"Sort of. Sabi ko naman sayo mabilis ang karma at buti tinamaan kana" sarcatic kong anas
"Oo tama kana! Si Warren hindi ako dinadalaw dito at talagang ikaw pa ang nauna. Huwag mo ng ulitin ito" bakit ko naman siya dadalawin ulit?
"Don't worry this is the first and the last time. Pumunta lang ako dito para makita kung paano ka maghirap! Naranasan mo rin iyan sa wakas and don't expect na makikita mo ang anino ni Warren dito he hates you so much" umiwas lang siya ng tingin kaya nagkaroon ako ng chance na pagmasdan siya at sa totoo lang pumayat siya
"Ayun lang ba ang sasabihin mo? Umalis kana" inabot ko yung paper bag na dala ko sa kanya
"Hindi mo ako katulad na walang puso kaya binilhan kita ng makakain. Kainin mo iyan at huwag mong ipamigay lang dahil sa pride niyo!! May ilang taon ka pang ilalagi dito kaya magpakabait ka!! Tapos layuan mo na ang pamilya ko pag lumaya ka! Masaya naman kaming wala ka" hindi siya umimik nun
"Tita, magpapakasal kami hindi dahil sa arrange marriage na ginawa niyo, totoong kasal ang gagawin namin" napatingin siya sa amin nun na parang gulat na gulat
"Bakit? Hindi ko ba pwedeng mahalin ang lalaking ito? Kung makatingin ka parang napakaimposibleng mangyari" ani ko
"I thought na bumalik ka sa ex mo. Balita ko hindi natuloy ang kasal niya" kahit nandito na siya sa loob may gana pa rin siyang makibalita about kay Van
"Thanks to you! Tuluyan mo na kaming nasira" sarcastic kong saad
"Tita, kaibigan na po namin si Van at maayos na ang lahat sa aming tatlo kaya wala pong problema" bakit ba ang galang niya sa halimaw na ito
"Umalis na kayo" tumayo na siya nun at kinuha lang yung paper bag
"Salamat!" Biglang sambit ko
"Nabingi ba ako bigla? Anong sabi mo?" Tanong niya
"I said thank you. Kahit na hindi ka naging mabuting ina sa amin ni Warren binuhay mo pa rin kami. Ayun lang yun aalis na kami" tumayo na ako at hinatak ang lalaking ito palabas ng presinto
Napahinga ako ng malalim ng makalabas kami ng tuluyan. Sobrang hirap niyang harapin buti na lang kasama ko ang lalaking ito
Napatingin ako sa kanya at ngumiti. Naalala ko yung sinabi niya ah! Papakasalan niya na ako
"Anong ngiti yan?" Takang tanong niya
"Narinig ko iyon! Papakasalan mo ako" ani ko
"Papakasalan naman talaga kita kapag mahal na kita kaso hindi pa ee" ano? Napasimangot ako at inunahan siyang maglakad
"Gia.... Walk-out queen ka talaga" rinig kong saad niya
"Hoy Henrick Jung! Limang taon ko ng pinapatunayan na mahal kita tapos hindi mo pa rin masuklian iyon? Ano bang gusto mong gawin ko?" pinigilan kong maiyak at maglalakad na sana pero biglang may nagbackhug sa akin
"Ang drama mo! Pwede ka nang gawaran ng oscar award" kumakawala ako sa kanya
"Bitawan mo ako" ani ko
"Gusto mong kumain? Treat na kita" humiwalay siya sa akin at hinatak na ako papunta sa malapit na kainan
______________________________________

BINABASA MO ANG
I'm Still Inlove With My Ex
Ficção AdolescenteThere are many people who can't move-on or it takes a lot of time before they forget someone, either romantic love, family or friend. The big question is why there's a people like them? Why do we need to let go of someone whom we can't live without...