CHAPTER EIGHT (YOU AGAIN?)
A/N: THANKS SA MGA NAGBABASA :)
**********************
"Uwahhh! Ang gwapo niya," -classmate 1
"Nandito na talaga siya. Si Jacaeriel Yuson" -classmate 2
"Uwaaahhhhhhhhhh!" nakakabingi ang sigawan nila ang sakit sa tenga.
"Couz', gwapo daw talaga yung bagong student dito. Akalain mo iyon baka siya na ang pumalit kay Van diyan sa puso mo," matawa-tawang sabi niya kaya napailing na lang ako
"Ms.President," napatingin ako kay Joshua and nabaling ang tingin niya kay Marga
"Hi Ms. Sungit," nginitian niya si Marga at yung pinsan ko naman ay tinarayan lang siya
"Bakit?" tanong ko
"Pakisabi nga sa pinsan mo huwag niya akong sungitan," napangiti na lang ako
"Hoy ikaw! Akala mo kung sino ka kailangan ba lagi akong nakangiti sa iyo? Ang kapal naman ng mukha mo, alam mo ba na yung mga nginingitian ko lang ay yung mga close ko at deserve na mangitian ng isang diyosang katulad ko," pasigaw na sabi niya kay Joshua
"Lagi kang masungit sa akin kahit na mabait naman ako sayo," labas na ako sa usapan nila
"Sabihan niyo lang ako kapag nagka-ayos na kayo and let me remind you both, THE MORE YOU HATE ,THE MORE YOU LOVE baka maging kayo niyan," nakangisi akong iniwan sila
"Hindi mangyayari iyon Georgina NEVER in my PRECIOUS LIFE!" I know nagwawala na ang babaeng iyon masyado kasing defensive napaghahalataan.
Habang naglalakad ako ay sinalubong ako ng isang teacher na nakaassign sa mga new student. Ano kayang kailangan ng teacher na ito? Well obvious naman na ako ang magiging tour guide niyan. Sino pa bang aasahan nila kung hindi ang magandang President ng Student Council.
"Gina, nabalitaan mo naman na may mga bagong student dito. Wala na akong problema doon sa isa kasi nagpresinta si Mr. Javier na siya na ang bahala samantalang yung isa kailangan niya pa nang guide," saad ng guro kaya napatango na lang ako
"Naghihintay siya sa Principal's Office, puntahan mo na lang." tumango lang ako
Habang palapit ako ng palapit sa Principal's Office ay parang bigla akong kinabahan. Mukhang may hindi ako inaasahang makita. Naramdaman ko na ito nung dumating si Van, ang weird ng ganitong feeling mas malala pa ito kapag nakikita ko si Van but anyway just relax nasanay na ako maging tour guide ng mga transferees dito kaya wala ng problema.
*Principal's Office*
"You're here Ms.Alvarez, please sit down" Umupo lang ako at pagharap ko sa lalaking ito prenteng-prenteng nakaupo parang bigla akong napanganga sa sobrang hot—I mean umusok agad ang ilong ko sa sobrang inis
"Ikaw/You" sabay na sigaw namin
Inirapan ko lang siya at saka hinarap ang Principal namin. I want to back-out hindi ko kayang makasama ang lalaking sumira ng araw ko doon sa mall at ang kumuha ng precious necklace with infinity pendant na gustong-gusto ko.
BINABASA MO ANG
I'm Still Inlove With My Ex
Teen FictionThere are many people who can't move-on or it takes a lot of time before they forget someone, either romantic love, family or friend. The big question is why there's a people like them? Why do we need to let go of someone whom we can't live without...