CHAPTER TWELVE (SHOULDER TO CRY ON)
Georgina POV
"Ms.President tuloy ba ang camping ng mga senior sa next week?" tanong ng isa sa mga classmate ko
"H-huh?"
"Hindi matutuloy iyon siguro next month pa maghintay na lang kayo sa announcement," si Joshua na ang sumagot kaya napaiwas na lang ako ng tingin
Bakit ba ako lutang ngayon? Kasalanan ito ng Mr.Stealer na iyon dahil sa mga pinagsasabi niya sa akin hindi ako mapakali. Tingnan mo hindi pa siya pumasok ngayon hindi pa nga tumatagal dito sa school absent agad ng absent. Akala mo laging may importanteng ginagawa sa buhay.
Ano bang paki ko sa kanya?
"'Couz', earth on you! Sino bang iniisip mo at lutang na lutang ka ngayon?" napatingin ako kay Marga nang wala sa oras
"Wala akong iniisip,"
"Kunwari ka pa baka iniisip mo lang si Va—" bago niya pa matapos ang sasabihin niya ay tinakpan ko na ang napakadaldal niyang bunganga
Hindi na talaga magbabago ang babaeng ito mapapahamak ako sa kanya ng wala sa oras. Hindi niya ba alam na walang alam ang mga tao dito sa paligid?
"Ano ba Georgina?" sigaw niya ng alisin niya ang kamay ko
"Magdaldal ka pa diyan humanda kana sa akin," pagbabanta ko
"Natakot naman ako sayo," maarteng saad niya
*POOKKKK*
"Ouch! Sumosobra kana Gina," angal niya pero inirapan ko lang siya
*BLAAAGGGG*
Nabaling ang tingin namin doon sa nagbukas ng pinto at nagulat ako ng makita ko si Van na naglalakad palapit sa akin. Ano na namang problema niya? May ginawa ba akong masama? Hindi naman na ako kinukulit ni Aki at pagkatapos naming mamasyal hindi na rin kami nag-usap kaya bakit ganyan siya makatingin sa akin?
Huminto siya dito bigla sa harap ko at bigla niyang hinawakan ang wrist ko. Pilit ko pang tinatanggal iyon pero hinatak niya na ako palabas. Malakas na talaga ang tama ng isang ito.
"Bitawan mo nga ako pinagtitinginan na tayo dito," saad ko pero hindi niya ako pinakinggan at nagpatuloy sa paglalakad
"Giovanni can you please stop dragging me?" iritang saad ko pero nagpatuloy pa rin siya
Naiinis na ako sa kanya. Nananahimik na ako at nakapagdesisyon ng kalimutan siya tapos ito na naman siya at nilalapitan ako? Ano pa bang gusto niyang gawin ko? May gusto pa ba siyang ipagawa sa akin?
"VAN I SAID LET ME GO!" sigaw ko na ikinahinto niya buti na lang wala ng tao dito sa hallway na dinadaanan namin
BINABASA MO ANG
I'm Still Inlove With My Ex
Teen FictionThere are many people who can't move-on or it takes a lot of time before they forget someone, either romantic love, family or friend. The big question is why there's a people like them? Why do we need to let go of someone whom we can't live without...