CHAPTER FORTY FOUR

18 2 0
                                    


CHAPTER FORTY FOUR
(TRUE FEELINGS REVEAL)







                *AFTER 3 DAYS*




"Mom, she's fine now!! Hindi niyo na kailangang pumunta dito at huwag niyo na ring ipaalam sa pamilya niya ang nangyari" anas ko kay mommy na katawag ko ngayon

"Okay! I understand ako na ang bahala sa kanya! Mom! Hinaan mo nga ang boses mo ang sakit sa tenga. Tsk. Bye!" Inend ko na ang tawag bago pa siya magdakdak

"Psh! Dapat lang sayo sermonan! Wala kang kwenta" biglang komento ng babaeng ito na nakahiga sa sofa






Teka! Anong oras na bakit nandiyan pa siya? Wala ba siyang balak na matulog? Napalingon ako sa kanya pero nakapikit lang siya

Nandito kasi ako sa may sahig nakaupo at nakasandal sa sofa habang siya nakahiga sa sofa at yakap-yakap yung unan

Napangisi ako at tinitigan lang siya at pinagmasdang maigi ang mukha niya








"Bakit ka ba nagustuhan ni Van? Baka kapag sinabi mo ang dahilan magustuhan na din kita" anas ko pero ngumiti lang siya at tumitig din sa akin

"Mr. Moody, bakit gusto mo akong magustuhan? Nabaliw ka ba bigla? Naaawa ka ba sa akin? Nakokonsensya ka lang?" Sunod-sunod na tanong niya

"Siguro nga!" Sagot ko na ikinairap niya

"Tigilan mo na ito! Pinaglalaruan mo lang ako! At saka hindi kita gusto. Sinabi ko na sayo yun" nagsimula na naman siyang magmaktol

"Pero gusto mo ako! Sinabi ng ex mo iyon" bigla niya akong hinampas kaya napadaing ako

"Hindi kita gusto!! Hinding-hin----" hinawakan ko ang kamay niya at hinatak siya palapit sa akin

"Hindi ka magaling magsinungaling! Okay? Tumayo kana diyan gusto ko nang matulog" binitawan ko na ang kamay niya at tumayo pero ang babaeng ito nagmatigas at tinalikuran lang ako

"Kapag hindi ka tumayo diyan ako ang matutulog sa kwarto" pananakot ko pero hindi siya nagpatinag

"Aishhh!! Malamig diyan kaya doon kana sa kwarto" hinatak ko siya paupo pero nagmamatigas siya at bumabalik sa pagkahiga

"Yah! Gusto mo bang buhatin pa kita? Kaladkarin na lang kaya?" Bumabalik na naman ang pagkastubborn niya






Napabalik na lang ako sa pagkakaupo sa sahig. Panalo na naman ang mahal na prinsesa. Taas ang kamay ko sa kanya lagi na lang ako ang sumusuko

Tahimik ang namagitan sa aming dalawa at akala ko tulog na siya pero bigla niyang pinisil ang pisngi ko. Kaya pinigilan ko lang ang kamay niya at hinawakan iyon at nakita ko yung singsing na suot niya pa rin







"Sabi mo hindi mo ako gusto pero bakit suot mo pa rin ang singsing na ito?" Tanong ko

"Nakalimutan ko lang hubarin iyan tatanggalin ko na rin nam---" hindi ko binitawan ang kamay niya

"Kapag tinanggal mo yan hindi na kita papakasalan" pananakot ko








*KRIIINNNGGGKRINNNGGG*


Napabitaw ako sa kamay niya ng bigla siyang umupo at sinagot ang tawag sa sa cellphone niya


"Van... Napatawag ka?" Her ex?

I'm Still Inlove With My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon