CHAPTER SIX

96 15 0
                                    

CHAPTER SIX (Enchanted Kingdom )


A/N: THANKS SA MGA NAGBABASA :)


**********************


*IN ROOM*


Nandito ako ngayon sa room namin, kakarating ko lang galing sa CR. Actually, ikinalma ko lang naman ang sarili ko ayoko kasing bumigay sa harapan nila at ayokong isipin nila na mahina ako. Hay, basta ayoko na. Pero kahit na anong gawin ko hindi ko maiiwasan ang dalawang iyon. Tulad ngayon, sa kamalas-malasan nasa pagitan pa nila akong dalawa kaya feeling ko kontrabida akosa istorya nila kasi hindi sila makapag-usap ng maayos.


"Gina, hindi ako makakasabay sayo mamaya kasi niyaya ako ni Van. Okay lang ba?" tanong niya. Parang kanina lang sabi niya sabay kami tapos ngayon biglang nagbago ang isip niya? Ano nga bang pakialam ko?

"Okay lang," matipid kong sagot


Napayuko na lang ako sa desk ko, nawalan na ako ng gana kumilos kahit ang pagiging student council president ko hindi ko na nagagampanan. I wonder kung marami na akong natambak na gawain doon buti na lang mabait si Joshua para hindi na ako sitahin.

Nababaliw na talaga ako para magpaapekto pa sa ex ko. Hindi naman ako tanga pero pagdating sa kanya feeling ko malala pa ako sa tanga. Uwahhh! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Napaangat ako ng ulo at aksidenteng napatingin kay Van at nagulat ako ng makita ko siyang nakatitig sa akin kaya mabilis pa kay flash na umiwas ako. Alam kong mahal ko siya pero remember itinaboy ko na siya at super duper galit na siya sa akin kaya hindi ko na siya pwedeng mahalin kaya...


"Gina..." may narinig akong tumawag sa akin sa likod at paglingon ko ay nakita ko si ...


Wait. Sino nga ba ito? Alam ko kilala ko siya. 


"Gina, still remember me?"


Pagtingin ko kay Van ay halatang nagulat din siya. Napaisip ako kung sino ito. Kakilala siya ni Van at kilala niya ako kaya malamang kilala ko siya. Napahinga ako ng malalim at tinitigan siya ng maigi. 


"Jin Carson? Kailan ka pa dumating? Hindi ka man lang nagpapasabi bigla-bigla ka na lang dumadating" anas ko ng maalala ko kung sino iyon.


Si Jin Carson ay common friends namin ni Van since nung grade school pa. Ilang taon din siyang nawala kaya hindi ko siya namukhaan pero ang gwapo na rin ng isang ito. Ang laki ng ipinagbago niya hindi na siya katulad ng dati na payatot lang. 


"Kahapon lang ako dumating. Hindi na ako nag-abala na sabihin para hindi na rin ako makaabala sa inyo," napatawa pa siya kaya binatukan ko lang siya.

"Aray! para saan iyon?"

"Huwag mong ulitin iyon nakakainis ka," sabay pout ko

"Cute ka pa rin, kamusta kayo?" biglang nawala ang ngiti ko at umiwas ng tingin

"Walang kami," sagot ni Van. Buti na lang wala yung atensyon ni Marga sa amin kung hindi baka malaman niya pa ang lahat, mahirap na.

"Hindi ba..." hindi niya na naituloy iyon ng biglang dumating yung teacher namin

I'm Still Inlove With My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon