CHAPTER FIVE (RED FLOWER)
GEORGINA POV
Nandito ako sa room ngayon at pagkaupong-pagkaupo ko pa lang ay yumuko agad ako. Ayokong makita yung katabi ko na may kalandian na naman. Akala ko makakaiwas ako sa kanila dahil hindi naman siya nakikipaglandian sa room pero mali na naman ako. Ayokong makialam sa kanila kaya nagkunwari na lang akong walang alam baka sabihan niya pa akong nagseselos sa harap ng mga classmate namin.
"Hi Van!" rinig kong seductive na saad ng isang babae
"Hi sweetie"
Pumapatol talaga ang lalaking ito. Wala ng kahihiyan kahit konti, lantaran talaga kung lumandi. hindi ba sila aware na nandito ako? I'm the SC President here. Simula ng hindi ko na sila sitahin napansin kong napapadalas na ang paggawa nila ng mga ipinagbabawal ko. Mukhang masyado akong naging mabait this past few weeks kaya nakakalimutan na nila ang role ko.
Well, kailangan ko na talagang ibalik ang dating ako bago siya dumating. Simula ng dumating si Van masyado ng magulo ang utak ko at hindi ko na alam ang mga pinaggagawa ko. Kahit ang role ko kinakalimutan ko para sa kanya but this time it's too much to tolerate them anymore. I should act as a part of student council, baka tuluyan na silang makahalata sa mga ginagawa ko at ayokong tularan nila ako.
"Free ako mamaya wala kaming practice sa Cheering Squad" pagpapatuloy nung babae
Napaangat ako ng ulo at nilingon sila. Nanlaki ang mata ko ng makita ko yung babae na nakaupo sa lap niya pero I keep myself compose. Mukhang hindi naman nila napapansin ang presensya ko kaya lalong nag-init ang ulo ko.
"Ehem!" pag-agaw ko ng atensyon niya
"Anong sabi mo? Free ka ngayon? Tama ba ako?" sarcastic kong tanong with matching taas-kilay pa
"P-president" gulat na saad nung babae
"Well, tinawag mo na rin akong President gagampanan ko na yung tungkulin ko. Hindi mo pa naman siguro nakakalimutan ang rules ng student council na bawal makipaglandian sa loob ng school ground. Ano bang ginagawa mo?" mahinahon pero may pagkainis kong sinabi sa kanya
"Sorry," maiyak-iyak na sabi niya
Nakakaawa na sana siya pero masyado na talagang sagad ang pasensya ko sa mga katulad niya. Madaling humingi ng sorry pero kaunti lang ang sincere kaya I'm sorry Ms. Beautiful Cheerleader I can't tolerate this anymore.
"SAGUTIN MO AKO!" sigaw ko na ikinagulat nilang lahat
"I-im f-flirting with h-him," utal niyang sagot, tumayo na lang ako at tinap ang balikat niya
"Salamat ka mabait pa ako, pagbibigyan kita ngayon but don't expect na pagbibigyan kita sa susunod naiintindihan mo ba ako miss?"
"Oo"
"Maupo na kayong lahat" utos ko sa kanila
Nagsibalik na sila sa mga upuan nila kaya napahinga na lang ako ng malalim. Mission Accomplish na ako sa babaeng iyon at ngayon kailangan ko namang harapin ang lalaking ito. Napahinga ulit ako ng malaim bago siya hinarap at tiningnan ng masama.
BINABASA MO ANG
I'm Still Inlove With My Ex
Roman pour AdolescentsThere are many people who can't move-on or it takes a lot of time before they forget someone, either romantic love, family or friend. The big question is why there's a people like them? Why do we need to let go of someone whom we can't live without...