CHAPTER TWENTY NINE
(Mr.Moody)Papasok na sana ako sa loob ng biglang may pumigil sa akin kaya napatingin ako doon
"Henrick? It's really you. I miss you so much!" Bigla niya akong niyakap nun
"Kiela, saglit lang hindi ako makahinga" reklamo ko
"Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin? Ang daya mo talaga at hindi ka man lang nagpasabi na lilipat ka dito" nginitian ko lang siya
"Sorry!!" Anas ko pero sumimangot lang siya "Ano ka ba? May balak naman akong sabihin sayo kaso nakalimutan ko lang" pagdadahilan ko at ginulo na lang ang buhok niya
*BLAAGGGG*
"What's that?" Bigla niyang tanong
Napatingin agad ako sa loob nun at nakita ko yung babaeng iyon na nagpass out kaya nagmadali akong pumasok sa loob
"Yah! Yah! Wake up!!" Saad ko paglapit ko sa kanya
"What happened to her?" Tanong ni Kiela na pumasok na rin
Aishh!! Ito na ang sinasabi ko ee. Binuhat ko na lang siya at pupunta na sana sa clinic kaso nakalimutan kong baguhan lang ako dito
"Kiela, nasaan ang clinic?" Tanong ko
"Sumunod ka sa akin" sinundan ko lang siya at kahit na maraming nagtitinginan sa amin ay hindi ko na lang pinansin
*IN CLINIC*
Pagpasok namin dito ay inihiga ko lang siya sa may bakanteng kama at saka siya nilapitan nung nurse
"Anong katangahan ba ang ginagawa niya?" natatawang saad ni Kiela kaya kunot noo ko siyang tiningnan
"Are you not worried to her?" Takang tanong ko
"Worried? I'm not but you! You should be worried about yourself"
Why should I?"Don't be too involve to her mapapahamak ka lang diyan" ano bang sinasabi niya?
"Ako na ang bahala sa kanya pwede kanang lumabas" may sasabihin pa sana siya pero hindi niya na tinuloy at lumabas na lang
Pagkatapos naman icheck ng nurse ang condition niya ay nilapitan ko siya agad
"How is she?" Tanong ko
"First time ni Georgina madala dito ah! Pero don't worry she's fine maybe she's tired or stress this past few days. She only needs rest" tinap niya lang ang balikat ko kaya napahinga na lang ako ng malalim at tumingin sa babaeng iyon
Napailing na lang ako at lumabas na lang ng clinic sabi naman nung nurse okay lang siya at pahinga lang ang kailangan
MARGA POV
"Anong nangyari kay Gina?" Gulat na tanong ko
"Nagpass-out siya sa may SC Office at nasa clinic siya ngayon" sagot ni Joshua
"What? Bakit hindi niyo sinabi sa akin? Kamusta siya? Sino nagdala sa kanya doon? Paano nangyari iyon?" Sunod-sunod na tanong ko
"Easy lang! Okay naman na siya at pahinga lang ang kailangan" hindi pa rin okay yun
Kanina pa siya recess nandoon tapos ngayon ko lang nalaman kung kailan mag-uuwian na
Kung hindi pa binanggit ni Joshua iyon hindi ko malalaman
BINABASA MO ANG
I'm Still Inlove With My Ex
Fiksi RemajaThere are many people who can't move-on or it takes a lot of time before they forget someone, either romantic love, family or friend. The big question is why there's a people like them? Why do we need to let go of someone whom we can't live without...