CHAPTER FORTY TWO

21 2 0
                                    


CHAPTER FORTY TWO
(IN DANGER PART 1)


*KINABUKASAN*

Pagbaba ko ng kwarto ay nakita ko siyang nagbabasa ng newspaper sa may sofa kaya napaiwas ako agad ng tingin

Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kahapon. Napatunayan ko talagang moody siya kaya hindi ko alam kung maniniwala ako sa kanya o huwag na lang

Ano bang iniisip ko? Baka ginugoodtime niya lang ako gaya nung una

Papunta na sana ako sa kusina ng bigla siyang magsalita


"Dadaanan mo lang ba ako?" napalunok ako ng marinig ko siyang magsalita

"A-ano... ah... A-ano bang gusto mong gawin ko? Tsk." ani ko

"Nga pala sineryoso mo ba ang sinabi ko kagabi?" Napalingon na ako sa kanya this time

"Hindi!" Seryosong sagot ko

"Baka namisunderstand mo ang ibig kong sabihin kaya lilinawin ko sayo ngayon. Papakasalan kita dahil ayun ang gusto ng mga magulang natin. Aalagaan kita? Oo naman. Poprotektahan kita? Oo naman. Ibibigay ko lahat ng gusto mo? Oo naman. Totoong regalo ko na sayo ang sarili ko pero hindi kita magugustuhan ayun sana ang malinaw sa ating dalawa" naikuyom ko ang kamao ko nun at nginisian siya

"Hindi kita gusto ayun din ang tandaan mo!!" Anas ko

"Nga pala makikipagkita ako kay Kiela at isasama kita kasama niya daw kasi ang fiancee niya" ang lakas ng loob ng lalaking ito, naririnig niya ba ang sinasabi niya?

"Ayoko! Hindi mo ako kailangan doon" inirapan ko lang siya at naglakad na

"Sasama ka!! Baka gusto mong hindi kita bigyan ng allowance" tinatakot niya ba ako? Ang baliw na moody na ito

"Eh di huwag mong bigyan" ako pa ang tinakot niya

"Isusumbong kita sa mommy mo na nakikipag-usap ka pa sa ex mo" desperado ba talaga siya? Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa paglakad

"Hindi kita papakasalan!!" Eh di huwag! Mas pabor nga sa akin iyon

"HOY!!! Sumama kana kasi..." Bahala siya sa buhay niya! Hilig niya akong daanin sa moody mode niya ah!



Pagpasok ko sa kusina ay kumuha lang ako ng maiinom sa ref at ng ibabalik ko na sana yung pitsel sa loob ay biglang may nagsara nun kaya napaharap ako sa kanya pero wrong move ata kasi nacorner niya na ako

At ito na naman siya, ang lapit na naman ng mukha niya sa akin. Ang puso ko ang bilis na naman!!

Bakit ba abnormal ito kapag kaharap ang asungot na iyan?




"Sumama kana!" Nagcross arm lang ako at tinitigan siya kahit gusto ko nang umiwas ay hindi ko ginawa at nagmatigas talaga ako

"Ayoko!! Marami kang babae diyan bakit ako ang isasama mo and besides hindi kami magkasundo ng bruhang babaeng iyon kaya kung ayaw mong masira ang munting moment mo sa kanya find other girl who fi-- " nagulat ako ng ilapit niya ang mukha niya sa akin

"You're a perfect fit for it! Nagiging possessive siya sa akin kapag kasama ka!!" Ngumiti siya nun na ikinainis ko talaga



Hindi ko na hahayaang maisahan ng bwisit na asungot na ito. Masyado niya na akong minamaliit at talagang sumusobra na siya at punong-puno na ako sa inaasta niya sa akin

Lalo na sa mga moody mode niya!! Nanggigigil na talaga ako at gusto ko na siyang tirisin sa galit!

Kaya tumayo ako ng maayos at hinatak siya mas palapit pa sa akin na siyang ikinagulat niya naman. Akala niya ba siya lang ang marunong niyan? Ibabalik ko sa kanya lahat ng ginagawa niya sa akin simula nung dumating kami dito





I'm Still Inlove With My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon