CHAPTER TWENTY THREE (CAMPING DAY 1)Time check: 7:02 am
"Excited na ako sa gagawin nating activity" anas ni Maila
"Ano ba ang gagawin natin ngayon Gina?" tanong ni Janna
"Anong malay ko hindi naman ako teacher" sagot ko at tinapos na lang ang pagkain
Sabi kasi sa amin 8:00 a.m na ang umpisa ng activity at sa totoo lang hindi ko alam kung anong activity ang mauuna
"Magpapahangin lang muna ako tapusin niyo na ang pagkain niyo diyan" tumayo na ako at pumunta doon malapit sa dalampasigan
Masarap kasing tumambay doon at napakapeaceful kung walang darating na kahit sinong asungot
Nang malapit na ako doon ay nakita ko si Jin at kasama si Van kaya babalik na lang sana ako pero hindi ako nakalagpas sa eagle eye ni Van
"Gia!!" tawag ni Van
Napahinga na lang ako ng malalim bago lumapit sa kanila. Hindi naman ito ang first time na nating sunod-sunuran ako sa isang tao pero ito ata ang first time na naging sunod-sunuran ako sa kanya
"Anong ginagawa mo dito Gina?" tanong ni Jin
"Magpapahangin lang sana ako, hindi ko naman alam na nandito kayo. Pasensya na" ani ko
"Nasa timing naman ang dating mo dito" sa tono ng pananalita niya mukhang may binabalak na naman siyang hindi maganda
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko
"Narinig ko lang ito sa mga teacher nandito daw ang mommy mo at minomonitor ang mga ginagawa natin" ano? Si mommy? Anong ginagawa niya dito?
"Hindi ko alam na siya na pala ang nasusunod sa St.Luke ngayon" natatawa niyang saad na ikinaiwas ko ng tingin
"Hindi ko alam ang bagay na iyan pasensya na" paghingi ko ng tawad
Nagulat ako ng haplusin niya yung pisngi ko kaya napatingin ako sa kanya nun
"Gawin mo ang lahat para mabigyan natin siya ng magandang palabas tutal ayun naman ang inaasahan niya" tumango lang ako sa kanya
"Hindi niyo kailangang maging magkateammate palagi just go with the flow lang" sabat in Jin
BINABASA MO ANG
I'm Still Inlove With My Ex
Ficção AdolescenteThere are many people who can't move-on or it takes a lot of time before they forget someone, either romantic love, family or friend. The big question is why there's a people like them? Why do we need to let go of someone whom we can't live without...