CHAPTER SIXTEEN (With him)
"Sigurado ka bang iisang room lang ang gagamitin natin?" tanong ko
"Kung may pera ka kumuha ka ng sarili mo hindi kita pipigilan," cold sagot bago hinubad yung coat niya at humiga sa kama
Ang sungit naman nito palibhasa sa aming dalawa ako lang naman ang nahihirapan kasi ako lang ang tanga pa rin sa kanya. Umupo na lang ako sa sofa na nandito at inilapag yung bag ko kaysa makipagtalo pa. Kahit ngayon lang gusto ko nang katahimikan sa aming dalawa.
"Salamat nga pala!" ani ko
"Tsk. Tigilan mo na ang pagsabi niyan, hindi bagay" sincere yung tao tapos ayaw pa tanggapin napakawalang puso niya
Inikot ko ang tingin sa kwarto at napansin ko iisa lang ang kama dito. Malamang sa malamang ako ang matutulog dito sa sofa since siya ang nagbayad. Marunong naman akong makaramdam sa limitasyong meron kami.
"Gusto ko lang ulit mag-sorry sayo sa lahat ng ginagawa ni mommy," saad ko pero hindi siya umimik at nakapikit pa rin
"Alam kong kasalanan ko iyon kaya gusto kong bumawi kahit sa paraang ito lang. Gamitin niyo ako kung gusto niyo" dagdag ko pa pero wala pa rin akong narinig na komento niya
Napalingon ulit ako sa kanya pero nakapikit pa rin siya. Tulog na siya agad? Ang bilis naman. Pinagmasdan ko lang siya, kahit na ganito kami kalayo sa isa't isa iyong tibok ng puso ko hindi nagbabago ang bilis. Bakit ba kahit anong tago ko sa nararamdaman ko pilit pa rin siyang lumalabas kahit na alam ng utak ko na wala na akong pag-asa, patuloy pa rin ang puso ko na nagpapakatanga.
Nababaliw na talaga ako para isiping darating ang araw na may pag-asa pa rin kami.
*SIGH*
Lumipas ang ilang minuto pero ang tahimik pa rin dito. Siguro nga tulog na siya. Tumayo na lang ako at inayos yung gamit niya kahit kailan talaga ang tamad niya mag-ayos ng gamit basta 'pag inantok tulog agad. Pagkatapos kong ayusin iyon ay umupo ulit ako sa sofa at tiningnan yung phone ko at nakita ko agad ang 5 missed call ni Stealer. Hay! Bakit niya ba ako tinatawagan?
*KRIIINNGGG•KRINNNGGGG*
And speaking of the Stealer he's already calling me again
"Oh, bakit ka tumatawag?" tanong ko
"I just want to check if you are in your house now! Napakalakas pa naman ng ulan ngayon"
"I'm fine, okay kana? Huwag mo na ulit akong tatawagan kung hindi naman importante"
"Nakakahurt ka naman Mine, pwede ka naman sigurong maging mabait kahit minsan lang pero sige goodnight sayo" nakakabaliw talagang kausap ang lalaking ito
"Okay, goodnight matulog ka nang maayos at kumain ka ng marami" sarcastic kong saad at napangiti na lang
"Sana maging mabait ka sa akin"
"Goodnight sayo Stealer. Bye!" anas ko at inend na lang ang tawag
Pasaway talaga ang lalaking iyon kahit kailan ang dami niyang kalokohan pero aaminin ko kahit saglit pa lang kaming nagkakasama ang dami niya ng tinulong sa akin lalo na pagdating kay Van. Maya-maya lang ay naisipan kong lumapit kay Van tutal tulog naman siya may pagkakataon na akong titigan siya.
BINABASA MO ANG
I'm Still Inlove With My Ex
Teen FictionThere are many people who can't move-on or it takes a lot of time before they forget someone, either romantic love, family or friend. The big question is why there's a people like them? Why do we need to let go of someone whom we can't live without...