CHAPTER NINETEEN (CONFRONTATION)"Ate hindi ka ba papasok? Anong oras na" imbes na sumagot ay nagtulakbong lang ako ng kumot
"Wala naman sigurong ginawang masama si kuya Van sayo kagabi?" pinaalala niya na naman ang pangalan na iyan
"Wala siyang ginawa sa aking masama Warren, masama ang pakiramdam ko kaya hindi muna ako papasok" palusot ko kahit na ang totoo ay ayoko lang makita si Van
"Sasabihan ko si Nay Sita na magluto ng pagkain para sayo" tumango lang ako
Narinig ko na lang ang pagbukas at pagsara ulit ng pinto. Hindi ko pa rin talaga makalimutan ang nangyari kagabi pagkatapos ng nangyari sa loob ng cubicle bigla na lang akong hinatak ni Van palabas ni hindi na nga namin binalikan yung mga kanya-kanya naming kasama. Akala ko kung saan niya na ako dadalhin pero pumunta lang kami sa condo niya. Buong hapon nandoon lang ako at nakatunganga habang siya nagkulong sa kwarto niya.
Hindi ko alam bakit niya ginawa iyon kung ayaw niya sa akin pwede niya naman akong diretsahin hindi yung magmumukha pa akong tanga.
Pagkatapos ng ilang oras na pagtunganga lumabas din siya ng kwarto niya at bigla niya na lang akong hinatak ulit syempre hindi na ako umangal. Madilim na paglabas namin pero tumigil na rin naman ang ulan. Naglakas loob ako na magtanong sa kanya kung saan kami pupunta pero hindi niya ako pinansin. Hindi naman naging matagal ang biyahe dahil huminto din kami sa isang mamahaling restaurant at pagpasok namin doon ay makita ko agad si mommy na kasama si Uncle Rex.
Hindi ko alam kung sinasadya niya iyon o hindi pero ang alam ko nakita nila kaming magkasama ni Van. Hindi ko makakalimutan kung paano niya kami tingnan ng masama na para bang wala siyang ginagawang masama. Pagkatapos naming kumain doon ay lumabas din kami agad at alam kong nakasunod si mommy sa amin pati si Uncle Rex.
*FLASHBACK*
"Ang lakas ng loob mong dumikit sa anak ko" anas ni mommy
"Tsk. Ang anak mo ang gustong lumapit sa akin. Bakit ako ang pinagsasabihan mo?" napaiwas ako ng tingin kay mommy
"Lumayo ka sa lalaking iyan Gina," hahatakin sana ako ni mommy pero bigla akong hinatak ni Van palapit sa kanya
"I think wala kang karapatang hawakan ang anak mo, kinakamuhian ka kasi niya" napayuko ako ng bumalik sa alaala ko yung mga nakita ko sa office ni Uncle Rex
"Sino ka para sabihan ako ng ganyan? Gagawin ko kung anong gusto ko sa kanya"
"Shall we go Wifey?" inakbayan niya ako at aalis na sana kami ng biglang may humatak kay Van at bigla na lang siyang sinuntok ni Uncle Rex
BINABASA MO ANG
I'm Still Inlove With My Ex
JugendliteraturThere are many people who can't move-on or it takes a lot of time before they forget someone, either romantic love, family or friend. The big question is why there's a people like them? Why do we need to let go of someone whom we can't live without...