CHAPTER FORTY FIVE
(MEMORIES&CONFESSION)Nandito kami ngayon sa may sakayan at naghihintay habang yung babaeng iyon nagpaalam na may bibilhin lang kaya kaming dalawa lang ang naiwan dito
Hindi kami nag-iimikan nun kaya nagulat na lang ako ng may iabot siya sa aking paper bag
"Ano ito? Para kay Gia?" Umiling siya
"Alam kong marami kang gustong itanong kaya nandyan lahat ng sagot. Ikaw na ang umintindi pero huwag mo nang ipakita kay Gia ayokong maguluhan lang siya" anas niya
"Bakit mo ginagawa ito?" tanong ko
"Dahil parehas ko kayong kaibigan. Ikaw na ang bahala sa kanya alam mo na ang ibig kong sabihin. Narinig mo naman ang sinabi niya kanina di ba?" Napaiwas agad ako ng tingin
"Alam kong nakikinig ka kanina!! Ito na ang last time mo kaya don't disappoint me Henrick" hindi na lang ako umimik nun
Maya-maya lang ay dumating na si Gia na kasabay din ng pagdating ng sasakyan
"Aalis na ako nandito na ang sasakyan" paalam ng lalaking iyon
"Ahm! Van... Regalo ko sayo! a farewell gift for my hubby!!" Anong hubby? Ang babaeng ito
"I'm happy to hear that for the last time Gia.. Thanks mauna na ako" papasok na sana siya pero bigla siyang niyakap ni Gia
"Take care of yourself too. Promise me!"
"I promise! Mag-ingat kana ah! Aalis na ako" humiwalay na si Gia sa kanya at hinayaan siyang pumasok sa sasakyan
"Bye! Mag-ingat ka rin!! Maging masaya ka" ngumiti lang si Van bago umandar yung sasakyan palayo sa amin
"Bye! G-goodbye!!" Bulong ng babaeng iyon kaya nilapitan ko na lang siya
"Umuwi na tayo!!" Ani ko at nauna ng maglakad
Para siyang nalugmok habang naglalakad kami kasi yukong-yuko siya at parang isang malakas na ihip lang ng hangin liliparin na siya
Gusto niya bang sumama doon kaya ganyan siya? Tsk.
"Gusto mo bang bumalik sa kanya? Bibigyan kita ng sam--"
"Oo, gusto ko siyang balikan!! Namimiss ko na siya agad! Parang may kulang sa akin ngayon na wala na siya" napairap lang ako at inunahan siyang maglakad
"Hoy! Teka! Hintayin mo ako" anas niya
"Sumama kana sa ex mo hindi kita pipigilan!! Matutuwa pa ako! Alis na" walang lingon-lingon na ani ko
"Sasama talaga ako!" Tinatakot niya ba ako ngayon?
"Sumama ka! Pakialam ko!" Naiirita ko nang saad at binilisan pa ang lakad
Nahawa na ba siya ngayon sa pagkamoody ko kaya ganyan sa umasta sa akin ngayon? O baka naman naiisipan niyang gumanti sa akin?
Matalino rin siya ah! Nagtagumpay na siyang inisin ako at sobrang inis na ang nararamdaman ko ngayon
Napahinto ako ng bigla niya akong yakapin from my back!
*DUGDUGDUGDUG*
*DUGDUGDUGDUG*
"Bitawan mo ako! Akala ko ba sasama ka sa ex mo bakit nandito ka? Ako ba ang ex mo?" Angal ko pero hindi niya ako binibitawan
"I like you! I really like you now Henrick" feeling ko lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng banggitin niya ang pangalan ko, this is the first time
BINABASA MO ANG
I'm Still Inlove With My Ex
Novela JuvenilThere are many people who can't move-on or it takes a lot of time before they forget someone, either romantic love, family or friend. The big question is why there's a people like them? Why do we need to let go of someone whom we can't live without...