CHAPTER TWENTY (VAN'S SWEETEST REVENGE)
TIME CHECK: 11: 36 A.M
Nandito ako ngayon sa may kitchen at parang tanga na pinapanood ang lalaking iyon na nagluluto. Nag-insist siyang gawin iyan kaya wala na akong nagawa.
"Hindi mo na kailangan gawin 'yan, nandiyan naman si Nay Sita para magluto" saad ko
"Lagi kana lang ba aasa sa ibang tao? Kaya hindi ka marunong sa gawaing bahay. Kawawa lang ang magiging asawa mo" napasimangot na lang ako sa sinabi niya. Dire-diretso talaga siya kung magsalita wala man lang paawat hindi niya alam na nakakasakit na siya
"Hindi ka ba hahanapin ng girlfriend mo?" tanong ko
"Ako lang dapat ang nagtatanong dito naiintindihan mo?" tumango na lang ako sa kanya and another silence ang namagitan sa amin.
"Tapos na akong magluto kumain kana," napatingin ako dito sa omelette na ginawa niya nakahiwalay iyon sa fried rice
"Hindi ka ba kakain?" umiling siya at umupo na lang sa harapan ko
"Papanoorin mo lang ba ako? Ang pangit naman tingnan kung tutunganga ka lang diyan" reklamo ko
"Just eat!"
Wala na akong nagawa at kumain na lang. Feeling ko napakahirap lunukin ng kinakain ko kasi nakatitig lang siya sa akin. Nakakaapat na subo pa lang ako ay tumigil na ako sa pagkain at hinarap siya
"Kung hindi ka kakain pwede ba huwag mo akong titigan nakakailang kasi," reklamo ko
"Iyon nga ang gusto ko mailang ka kasi nandito ako" ngumisi siya at sumandok ng fried rice
"Kain na," sinubo ko na lang yung inabot niya
Hindi na talaga maganda ang pakiramdam ko. Sakit, kilig at lungkot ang nararamdaman ko naghahalo na ang lahat kaya lalo akong naguguluhan
"May gagawin ka ba bukod sa magdrama buong maghapon?" pasimple akong napairap
"Wala akong gagawin kaya pwede kanang umalis,"
"Hindi ikaw ang magdedesisyon kung aalis ako o hindi kaya huwag mo akong pangunahan,"
Hindi na lang ako umimik at tinapos na lang ang pagkain. Hanggat' maaari gusto kong umiwas sa kanya hindi lang siya basta EX sa akin, mahal ko pa ang lalaking ito. Hindi pa nagbabago ang katotohanang iyon.
"Alam mo ba—" inangat ko ang tingin ko sa kanya
"Ano na naman ba?"
"Gusto kong nakikita kang kinakabahan kapag malapit ako sayo" pinagmasdan ko lang siya nang tumayo siya
*GULP*
Lumipat lang siya dito mismo sa tabi ko na ikinalaki ng mata ko. Alam niya ba ang lakas ng tibok ng puso ko ngayon? Baka talagang sinasadya niya lang na gawin ito para inisin ako?
"Bakit ganyan ka makatingin Gia?" tanong niya at inipit pa sa likod ng tega ko yung hibla ng buhok na tumatabon na sa mukha ko
BINABASA MO ANG
I'm Still Inlove With My Ex
Roman pour AdolescentsThere are many people who can't move-on or it takes a lot of time before they forget someone, either romantic love, family or friend. The big question is why there's a people like them? Why do we need to let go of someone whom we can't live without...