CHAPTER THIRTY TWO
(What really happened?)HENRICK POV
"Henrick gumising ka diyan! Paano mo nagagawang matulog ng mahimbing diyan gayong nawawala si Gina?" Ang bunganga naman ni mommy ang aga-aga ee
"Mom, hindi na bata yun kaya niyang umalis mag-isa babalik iyon kung gusto niya" nagtulakbong ako ng kumot nun
"Tumayo ka diyan at hanapin mo siya ngayon din" hinatak niya yung kumot nun na ikinaupo ko
"Mommy wala pa akong tulog kaya pwede ba patulugin niyo naman ako" reklamo ko
"Ikaw? Wala ka ba talagang pakialam sa kanya?" Umiling ako nun kaya hinampas niya ako nv hinampas
"Arayy! Mom ano ba? Pwede ba huwag kayong mag-alala sa kanya" ani ko at sinasalag lahat ng hampas niya
"At bakit hindi ako mag-aalala sa kanya? Alam mo ba kung nasaan siya? Huh?" sigaw niya
"Ako ang anak niyo kaya sa akin kayo dapat mag-alala" reklamo ko pero binatukan niya lang ako
"Maligo ka at magbihis at hanapin mo si Georgina ngayon din kung hindi ipapacancel ko lahat ng access mo sa credit cards mo" what? Huwag naman ganoon
"Oo na oo na hahanapin ko na siya okay? Babangon na nga diba? Lumabas kana" aambahan niya pa sana ako ng hampas pero nagsalag na ako
"Ayusin mong makikita mo siya" tumango-tango lang ako nun at hinintay siyang lumabas
Pagkalabas niya ay napahiga ulit ako sa kama. Gusto ko pa talagang matulog
Kinuha ko yung cellphone ko sa may bedside table at tinawagan ang babaeng iyon
*KRINGGGKRINGGGG*
"HOY! BUMALIK KANA NGA DITO" sigaw ko pagsagot na pagsagot niya
"Ano ba yun? Ang aga-aga pa bakit ka nakasigaw diyan? Babasagin mo ba ang eardrums ko?" Reklamo niya
"Kakakita lang natin kagabi kaya nagsasawa pa ako sa mukha mo kaya please ikaw na lang ang bumalik dito" sarcastic kong saad
"Ayoko pa"
"KUNG AYAW MO PANG MAGPAKITA SA KANILA SANA INIINFORM MO MAN LANG ANG PAMILYA MO PARA HINDI SILA NAG-AALALA SAYO" hayy!! Sumasakit talaga ang ulo ko sa kanya
"Ayoko pang umuwi" magsasalita pa sana ako pero inend niya na ang tawag
Hayy! Napapadyak na lang ako sa inis nun. Kung hindi lang siya babae binangasan ko na ang mukha niya ee
All this time alam ko kung nasaan ang babaeng iyon. Tama kayo yung babaeng hinahanap nila at hindi ko alam kung bakit ko rin siya tinatago
Ano nga ba talaga ang nangyari? Paano ko nakita ang babaeng iyon?
Magflashback tayo 3 weeks ago*FLASHBACK*
|3 WEEKS AGO|
Magpeperform na sana ako sa harapan ng mapatingin ako sa table nila Kiela hindi ko siya nakita nun pero yung dalawa nasa table pa rin at mukhang nagtatalo
Nakita ko pa ngang umiiyak yung babae mukhang siya yung Van na sinasabi ng kapatid niya
Hindi ko na sana papansinin iyon at lalo na nang tawagin ang pangalan ko sa unahan
Pupunta na sana ako sa mini-stage na iyon ng makita kong tumayo yung babaeng iyon at nagwalk out
"Henrick, tinatawag kana ano bang ginagawa mo?"
BINABASA MO ANG
I'm Still Inlove With My Ex
Novela JuvenilThere are many people who can't move-on or it takes a lot of time before they forget someone, either romantic love, family or friend. The big question is why there's a people like them? Why do we need to let go of someone whom we can't live without...