CHAPTER FORTY
(IT'S REALLY OVER)Time Check: 8:32 pm
Naglalakad lang ako ngayon sa kawalan at saka hindi ko na kasama yung lalaking iyon at iniwanan ko na siya kasama yung mga babae niya
This time gusto ko talagang makapag-isip ng maayos kasi naguguluhan pa rin ako
May gusto akong ayusin pero hindi ko alam kung ano. Naguguluhan talaga ako
Napahinto ako sa paglalakad ng may humintong pares ng paa sa harapan ko at pag-angat ko ng tingin ay nakita ko yung moody na iyon kaya napairap ako agad at umiwas lang sa kanya kaso hinarang niya ulit ako
"Henrick Jung, pwede ba umalis ka diyan" iritado kong saad
"Kanina pa kita hinahanap bigla kana lang nawala" hindi ba siya nag-enjoy sa mga babae niya
"Bakit mo naman ako hahanapin? Hindi na ako bata at kaya ko na ang sarili ko kaya umalis kana diyan" itinulak ko lang siya at nagpatuloy na sa paglakad
"Gia... Umuwi na tayo" sabing huwag niya akong tawagin sa ganyang pangalan
"I told you not call me Gia right?" Ani ko at humarap sa kanya
"Your ex give me permission to call you that" imposible
"Really? I'm not giving you my permission so stop calling me that name" maglalakad na sana ako pero pinigilan niya na ako
'Alam mo wala ako sa mood ngayon makipagtalo sayo kaya tara na, umuwi na tayo" binawi ko ang kamay ko sa kanya
"Ayoko pa nga, bakit hindi na lang yung mga babae mo ang samahan mo baka maging masaya ka pa" pagalit kong saad
"Ano bang problema mo? Bakit ka nagkakaganyan? Don't tell me na nagseselos ka sa kanila" sarcastic akong napatawa sa kanya
"Ako magseselos? Bakit naman? Ano ba kita? Selos? Hahahahahaha nakakatawa ka" maglalakad na sana ulit ako pero pinigilan niya na naman ako
"ANO BA? BITAWAN MO NGA SABI AKO" hindi ko na napigilan ang sarili ko at napasigaw na ako sa inis
"Kung hindi ka nagseselos bakit ka nagkakaganyan? Alam mo may limitasyon din ang pag-intindi ko sayo. Napapagod na ako" napaiwas ako sa kanya ng tingin nun
"Iwan mo na ako! Ganyan naman kayong lahat sa huli pag napagod na kayong intindihin ako iiwan niyo na lang ako na parang wala lang" napaiyak na ako
Pasalamat na lang ako na malayo ang mga tao dito sa pwesto namin kaya okay lang kahit na magkasigawan pa kami
"Ang totoo nagseselos ako sa mga lumalapit na babae sayo lagi na lang sila ang binibigyan mo ng atensyon. Naiinis ako sayo lalo na sa sarili ko kasi hindi ko alam bakit ko nararamdaman ang walang kwentang pakiramdam na iyon at sa tulad mo pa na walang puso. Masaya kana ba? Narinig mo na ang gusto mong marinig!!" Tinalikuran ko na siya at tumakbo na lang palayo sa pwesto niya
Bakit ko ba sinabi iyon? At sa harapan niya pa? Baka kung ano ang isipin niya
Tanga-tanga ka talaga Georgina Alvarez.... Ang tanga mo kahit kailan!!!!
**********************
*KINABUKASAN*
Pagbaba ko nang hagdan ay nakita ko agad siya sa may sofa na nakaupo at nanonood pero hindi ko siya pinansin at dumiretso lang sa may kusina at doon uminom ng tubig
BINABASA MO ANG
I'm Still Inlove With My Ex
Genç KurguThere are many people who can't move-on or it takes a lot of time before they forget someone, either romantic love, family or friend. The big question is why there's a people like them? Why do we need to let go of someone whom we can't live without...