CHAPTER TWENTY SEVEN
(Anger)Pagpasok namin dito ay namangha ako sa lawak at ayos ng buong bahay. Magaling ang interior designer nito ah!
"Maupo muna kayo magpapakuha lang ako ng maiinom. Parating na rin si mommy may binili lang iyon" walang emosyon na saad nung lalaking iyon
"Okay lang maghihintay kami" anas ni mommy
"Okay" nagdiretso na siya kung saan nun
Inikot ko na lang ang tingin ko dito imbes na ituon ang atensyon ko sa kinaiinisan kong tao sa mundo
Maya-maya lang ay may lumapit na katulong sa amin at inabutan kami ng maiinom
"Excuse me, saan ang cr niyo dito?" Tanong ko
"Diretuhin niyo lang po iyan at kumaliwa po kayo doon po ang cr" sagot nung katulong
"Salamat" tumayo na ako nun at sinundan yung direksyon na itinuro niya
Kaso habang paliko ako ay napukaw ang pansin ko sa may garden kaya napahinto ako at hindi napigilang pumunta doon
Mahilig ako sa mga bulaklak hindi lang halata pero gustong-gusto ko sila
Tiningnan ko yung mga bulaklak nun na iba't iba ang mga klase at napakacolorful nilang tingnan sayang wala sa akin yung cellphone ko para mapicturan nakalimutan ko ring kuhain
"Anong ginagawa mo diyan?"
"Anak ng kabayo" halos mapatalon ako sa gulat dahil doon sa nagsalita at nakita ko yung lalaking iyon
"Anong ginagawa mo diyan? Pinayagan ba kitang mag-ikot dito?" Ang sungit niya naman ngayon
"Magc-cr lang naman ako kaso napukaw ng pansin ko yung mga bula------"
"Nandoon ang cr at wala diyan" tipid lang akong ngumiti nun at pumunta na lang sa cr
Kahapon ang yabang at ngayon naman masungit sa susunod kayang magkita kami ano namang ugali niya? Lagi na lang akong nagugulat sa ugaling pinapakita niya nakakainis lang ah!!
Pagkatapos kong magcr ay bumalik na lang ako sa living room at nakita ko na yung babae kahapon
Napahinto ako ng bigla siyang lumapit sa akin at niyakap ako at nakipagbeso pa
"Buti naman nakarating ka dito" humiwalay lang ako sa kanya at umupo na lang sa single na sofa
"Actually nandito kami para humingi ng tawad sa ginawa niya kagabi" panimula ni mommy
"Naku wala yun noh! Natural sa mga kabataan ang ganoon buti na lang kasama niya si Henrick that time alam mo naman iba na ang panahon ngayon" okay naman na pala bakit kailangan ko pang magsorry
"Pero mali pa rin ang inakto niya" nagbabanta siyang tumingin sa akin nun
"Sorry po" ani ko
"Be careful lang next time hija at mas maganda kung kasama mo lagi si Henrick" ang lalaking iyon? No thanks na lang mas gusto ko pang makasama si Stealer kaysa sa kanya
"Oh! Ayan pala si Henrick! Henrick mabuti pa dalhin mo muna si Gina sa kwarto mo, mag-usap kayo at ipakita mo ang photo album mo para magkakilala kayo" kwarto? Napailing ako agad doon
"I'm fine here kung ayaw niyong marinig ko ang pinag-uusapan niyo doon na lang ako sa gard---"
"Tara na!!" Ano daw? Basta na lang siya papayag? "Miss, bingi ka ba? I said let's go" tumayo na lang ako nun
![](https://img.wattpad.com/cover/52572553-288-k366070.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm Still Inlove With My Ex
Teen FictionThere are many people who can't move-on or it takes a lot of time before they forget someone, either romantic love, family or friend. The big question is why there's a people like them? Why do we need to let go of someone whom we can't live without...