CHAPTER THIRTY FIVE
(UNEXPECTED LEAVING)Time Check: 12:36 pm
Ang ganda ng buwan ngayon, bilog na bilog at ang liwanag. Pero bakit hindi ako masaya?
"Yah! Bakit ba ang bagal mo?" Ang reklamador naman nito lagi na lang sinisira ang moment ko
"Nandyan na!" Naglakad na lang ako palapit sa kanya
"Hindi ka ba hahanapin sa inyo? Baka isipin ng mga iyon na nawawala kana naman at ako na naman ang magmumukhang masama" nagsungit na naman
Bumabalik na siya sa pagkamoody niya. Napailing lang ako at nagpatuloy na lang sa paglakad
*SILENCE*
"Okay ka lang ba?" Bigla niyang tanong
"Oo naman"
"Hindi ka magaling magsinungaling" ano daw?
"Anong sinasabi mo? Okay na nga ako" saad ko
"Kapag sinasabi mo yan dapat ngumingiti ka hindi yung nakasimangot ka" hinampas-hampas ko siya nun na pareho naming ikinahinto
"ANONG GUSTO MONG SABIHIN KO? NA HINDI AKO OKAY AT NASASAKTAN AKO? NA HINDI KO MATANGGAP NA WALA NA KAMI? NA AYOKONG MAWALA SIYA? NA MAHAL KO PA RIN SIYA DESPITE OF ALL THIS? WHAT!???" kasabay nun ang pag-iyak ko
"Hindi naman ako ang nanakit sayo pero ako na naman ang sinasaktan mo" reklamo niya
"Kasalanan mo ito *sobs*" niyakap niya lang ako at tinap ang likod ko
"Oo na!! Iiyak mo lang yan"
Pagkalipas ng ilang minuto ay humiwalay na rin ako sa kanya at pinunasan ang luha ko
"Ang pangit mo! Tara na bumili tayo ng makakain bigla akong nagutom" inakbayan niya lang ako at nagpatuloy kami sa paglakad
••••••••••••••••×××××××××ו•••••••••••••••
KINABUKASAN..
"Ms. President..." Dinamba agad ako ng yakap nina Maila at Janna
"Ano ba? Hindi ako makahinga sa inyo layuan niyo nga ako" saway ko
"Namiss ka lang namin babae... Saan ka ba talaga galing? Bakit ka pa bumalik?" Kaibigan ko ba talaga sila?
"Gina!!" Nagulat ako ng bigla akong hatakin ni Joshua paharap sa kanya
"Bakit?" tanong ko
"Totoo bang umalis kana sa pagiging SC President?" Inalis ko yung kamay ni Joshua
"Oo umalis na ako kaya ikaw na ang bagong President Joshua. Galingan mo at maging responsable ka"
"Pero Gina..."
"Gina? Totoo umalis kana? Dahil ba ito doon sa ginawa ng bruhang iyon? Susugurin ko na talaga yun" aalis na sana yung dalawa pero pinigilan ko na sila
"Wala siyang kinalaman dito. Sarili kong desisyon ito" anas ko
"Bakit? Bakit bigla kang aalis? Hindi ka naman gagawa ng ganito kaya bakit?" Saad ni Janna
"Actually, a-ano ah!!---"
"What? Why?" Sigaw ni Maila
"Huwag ka ngang sumigaw diyan" saway ko
BINABASA MO ANG
I'm Still Inlove With My Ex
Novela JuvenilThere are many people who can't move-on or it takes a lot of time before they forget someone, either romantic love, family or friend. The big question is why there's a people like them? Why do we need to let go of someone whom we can't live without...