CHAPTER THIRTY SIX

24 2 0
                                    


CHAPTER THIRTY SIX
(Mysterious Picture)

*In Airport*

"May problema ba? Kanina ka pa tahimik?" Tanong ni Marga na katabi ko ngayon

"Yung pinapagawa ko pala sayo about kay Van ano nang nangyayari?" Tanong ko

"Walang problema, ang sabi ni Jin hindi naman na sila ginugulo ni Tita" napatango-tango ako nun atleast tumutupad siya sa usapan

"Pwede bang i-update mo ako kapag may ginawa na naman si mommy sa kanila" anas ko

"Okay ako na ang bahala doon, pero seryoso kana ba dito? Aalis ka kasama ang lalaking iyon? Kailan ka babalik?" Nagkibit balikat lang ako nun dahil hindi ko rin alam ang sagot sa mga tanong niya

"Alagaan mo si daddy at Warren for me. Pati si Jace" napayuko ako ng maalala ko yung nangyari kanina

"Huwag mo nga munang intindihin yung ibang tao, intindihin mo muna ang sarili mo" tumango lang ako sa kanya

"Ate Gina!! Bakit ba biglaan ang alis mo? At kasama mo pa ang lalaking iyon?" Reklamo ni Warren paglapit na paglapit sa akin

"Anong problema mo sa akin bata?" Bigla ring sulpot ni Mr. Moody at ginulo pa ang buhok ni Warren

"Lahat sayo problema, babaero ka kasi, malayo ang States dito kaya anong malay ko na lagi na palang umiiyak si Ate Gina dahil sayo" napangiti ako sa inasta ni Warren kailan pa sila naging close ng ganyan?

"Yah! FYI baka ako pa ang maiyak dahil sa kapatid mo, tingnan mo nga yan wala pang isang araw butas na ang bulsa ko diyan" anong sabi niya? Panira talaga ng mood ang lalaking ito

"Pakiulit nga ang sinabi mo?" Seryoso kong tanong

"Walang ulitan sa taong bingi" bumelat pa siya na lalo kong ikinainis

"Tama na ang asaran niyo, aalis na kayo" saad ni daddy

"Ngayon ka lang malalayo sa akin Ate Gina pero mag-ingat ka doon lalo na sa kasama mo tatawag ako sayo at saka huwag kang mag-alala kami na ang bahala ni Ate Marga dito" tumayo na ako at niyakap lang si Warren

"Huwag kang pasaway dito ah! Ayokong gumagawa ka ng gulo and alagaan mo si daddy" tumango lang siya

"Alis na kami, Marga yung sinabi ko sayo" tumango lang siya at ngumiti sa akin

"Mag-ingat kayo doon sinabi ko na rin lahat kay Henrick kaya wala na kayong poproblemahin pagdating niyo doon" tipid lang akong ngumiti sa mommy niya

"Aalis na kami. Bye!" Paalam ng lalaking ito

Napatingin pa ako sa paligid nun at napahinto ako nang makita ko si Van kasama niya si Jin

"Anong problema?" Tanong ng lalaking ito

"Ah--"

"Ah! I see he's here for you" napailing lang siya at nauna ng maglakad

Habang ako ay napatingin sa pwesto nila Van at nakita kong nagwave siya ng kamay at ngumiti sa akin

Tipid na lang akong ngumiti at sumunod na lang sa lalaking moody na iyon

Hindi ko alam kung may pagkakataon pang magkita tayo Van pero sana maging masaya ka dahil wala na ang gugulo sa buhay mo


*Inside the Airplane*

I'm Still Inlove With My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon