CHAPTER FIFTEEN (THE PLAN)
"Study your lesson for today may quiz tayo tomorrow. Class dismiss," pagkasabi ni Mr. Quinto ay nagmadali ng maglabasan ang mga classmate namin
Pero ako ito at nakayuko pa rin at walang balak na umalis. Bigla ko kasing naalala yung sinabi ni Van kanina at saka thankful na lang ako na hindi siya pumasok ngayon wala akong pakialam kung nasaan siya ang mahalaga hindi ko siya nakikita dito. Pero kanina pa ako wala sa huwisyo ko kakaisip sa gustong sabihin ni Van na importante.
"Couz' tulog kana ba diyan? Bigyan kita ng kumot, gusto mo?" napairap lang ako
"Gusto mo bang mabangasan ang mukha Marga? Bad mood pa naman ako ngayon,"
"Easy lang, I'm just kidding around" anas niya
"Hindi pa ako uuwi mauna kana," walang gana kong saad at yumuko na lang
"Okay, sasabihin ko kay Warren na makikipagdate ka kay Van!" sasambunutan ko na sana siya pero bigla na lang siyang tumakbo palayo
Ang babaeng iyon walang ibang alam kung hindi ang inisin ako ng inisin. Makahanap lang ako ng tamang timing uunahinko talaga siyang ipatapon sa lugar na hindi ko makikita.
"Mine, hindi ka pa ba uuwi? Hatid na kita" umiling lang ako at inayos ang gamit
"Anong nangyari sa inyo ni Van kanina? Nakapag-usap ba kayo ng maayos?" umiling ako
"Umuwi kana nga," pagtataboy ko
"Tsk. Pasalamat ka may gagawin ako ngayon kung hindi susundan talaga kita" hindi na pala siya stealer kinuha niya na rin ang trabaho ng isang stalker.
"Salamat! Sana araw-araw kana lang may ginagawa para hindi ako yung iniistorbo mo" sarcastic kong saad
"Go home safely okay. Alis na ako" nagulat ako ng halikan niya ako sa noo
Magsasalita pa lang sana ako pero nakaalis na siya agad. Bakit ba lahat na lang ng tao pinoproblema ko? Nakakainis na talaga. Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na lang ako ng room baka naghihintay na rin ang moody na iyon as far as I know ayaw niyang naghihintay ng matagal.
________________________
Pagdating ko dito sa may sakayan ay nakita ko siyang nakaupo sa may upuan at tulala. Kung wala lang kami sa ganitong sitwasyon malamang na tatawanan ko siya pero hindi kami close kaya hindi ko na gagawin iyon. Lumapit na lang ako sa kanya na iwas ang tingin.
"You're 5 minutes and 46 seconds late and you stare at me for almost 1 minute," napakadetailed naman nito pati iyon hindi pinalagpas
"Sorry po ang lapit kasi ng sakayan sa school," inirapan ko lang siya
"Whatever!" tumayo siya at lumapit sa akin na ikinaatras ko
"A-ano ba ang sasabihin mo? Bakit hindi mo na lang sabihin may gagawin pa ako,"
"Bakit? May date ba kayo ng boyfriend mo?"
"Tsk. Ano naman ngayon?" ani ko. He rolled his eyes to me at nagpara na lang ng taxi.
"Sakay na!" utos niya paghinto ng taxi sa harap namin
BINABASA MO ANG
I'm Still Inlove With My Ex
Teen FictionThere are many people who can't move-on or it takes a lot of time before they forget someone, either romantic love, family or friend. The big question is why there's a people like them? Why do we need to let go of someone whom we can't live without...