CHAPTER THIRTY FOUR
(Official Break up)GEORGINA POV
"YAH! Ano bang winawalk-out mo diyan?" Saad ko bago pa kami makarating sa may living room kung nasaan ang parents namin
"Tsk. Kung hindi ko ginawa iyon magtatanong lang ng magtatanong ang pinsan mo at ang kapatid mo and I really hate interrogation" what a childish act. Hinampas ko na lang siya sa inis
"Ang arte mo akala ko pa naman kung ano na" natatawa kong saad
"Ineexpect mo bang magseselos ako? Hahahha dream on wala akong pakialam sa kung anong gusto mong gawin sa buhay mo" hindi ba siya pwedeng maging mabait sa kausap niya he's always rude and very straightforward
"Hindi" napansin kong iniikot niya ang tingin niya kaya inikot ko rin ang tingin ko
"May hinahanap ka ba?" Tanong ko
"Wala bang daan dito bukod sa front door niyo" huh? Bakit niya naman tinatanong?
"Bakit? Anong gagawin mo?"
"May importante akong aasikasuhin ngayon kaya gusto kong tumakas" napailing na lang ako sa iniisip niya
"Halika dito. Sa back door tayo dumaan" hinatak ko na siya nun papunta sa back door
Tutal tinulungan niya naman ako dapat lang na tulungan ko rin siya at saka ayokong magkaroon ng utang na loob sa kahit na sino
Paglabas namin ay umikot lang kami papunta sa nakapark niyang kotse
"Saan ka pupunta?" Tanong ko bago pa siya pumasok sa loob ng sasakyan
"Kailangan mo pa bang malaman? Intindihin mo ang problema mo. Please lang kahit ngayon lang huwag muna tayong magkita. Okay?" He tap my head
"Ikaw...." Bago ko pa siya mahampas ay nakapasok na siya sa kotse niya
Ang kapal talaga ng mukha niya kahit kailan. Tingin niya ba gusto ko siyang makita?
Papasok na sana ako sa loob ng biglang may humawak sa braso ko at paglingon ko ay nanlaki ang mata ko nang makita si Van
Anong ginagawa niya dito?
"Sumama ka sa akin" magrereklamo pa sana ako pero nahatak niya na ako
"Ano ba Van, bitawan mo nga ako. Kapag nakita nila tayomg magkasama baka anong isi---"
"Just shut up!" Ipinasok niya lang ako sa may kotse bago siya umikot papunta sa driver's seat
Ano bang balak niyang gawin ngayon? Hindi na ba siya natatakot sa mga mangyayari oras na may makaalam na magkasama na naman kami
Habang nasa biyahe kami ay hindi ako umiimik at nakatingin lang sa labas ni isang sulyap lang sa kanya ay hindi ko ginagawa. Baka kasi pag ginawa ko yun lumambot na naman ako at kalimutan ko ang usapan namin ni mommy
After ng ilang minuto ay huminto kami sa isang lumang park kung saan lagi kaming nakatambay
"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko
"Sumunod ka sa akin" cold niyang saad at nauna ng bumaba
Napahinga na lang ako ng malalim bago sumunod sa kanya
Hindi ko pa rin makalimutan ang lugar na ito at halos wala ng tao totoo kayang gagawin na itong amusement park?
Huminto lang kami doon sa may tree house kung saan lagi kaming nakatambay. Napaiwas ako ng tingin sa kanya ng lumingon siya sa akin
BINABASA MO ANG
I'm Still Inlove With My Ex
Roman pour AdolescentsThere are many people who can't move-on or it takes a lot of time before they forget someone, either romantic love, family or friend. The big question is why there's a people like them? Why do we need to let go of someone whom we can't live without...