CHAPTER TWENTY SIX
(DRUNK)Time check: 12:47 mn
Umiikot na ang paningin ko. Ang sakit na rin ng ulo ko gusto ko nang matulog pero sa tuwing pipikit ako nakikita ko yung mukha ni Van kaya ayokong pumikit
Sabi nila nakakawala ng problema ang pag-inom ng alak pero bakit hindi mawala-wala yung sa akin?
Pinaglalaruan ba talaga ako ng tadhana?
"Miss, hindi ka pa ba uuwi? Marami ka nang nainom" tinabig ko yung kamay nung lalaki
"Pabayaan mo ako!!" Anas ko
"Pero miss... Hindi pa nga po kayo nagbabayad ng mga ininom niyo" sinamaan ko ng tingin yung lalaki nun at hinatak yung kwelyo niya
"Pwede ba tigilan mo ako gusto ko pa uminom" ani ko pero biglang may nagtanggal ng kamay ko doon kaya napatingin ako dito sa bagong dating
"Magkano ba ang bayaran niya?" Teka sino ba ito? Hinawakan ko yung mukha nung lalaking bagong dating
"Sino ka ba?" takang tanong ko
"Bitawan mo nga ako!!" Tinabig niya ang kamay ko
"3,569 pesos ang bayaran niya" huh? Ang laki naman nun
"Hoy! Ang laki naman nun baka naman nangogotong ka lang huwag mo na yang bayaran" reklamo ko
"Eto na ang bayad keep the change" napasimangot lang ako nun
Nakita kong naglakad na paalis yung lalaki kaya hinatak ko yung damit niya na ikinahinto niya
"Kilala mo ba ako?" Tanong ko
"Hindi. Bitawan mo na nga ako" hindi ko binitawan ang damit niya
"Samahan mo ako dito. Gusto ko pang uminom" nagulat ako ng lumingon siya sa akin na masama ang tingin
"*sigh* Akin na yung cellphone mo" umiling lang ako nun kasi wala naman talaga sa akin yung cellphone ko
"Tsk. Halika na nga" bigla niya akong hinatak nun palabas ng restobar
"Ano ba? Gusto ko pa-- buwaakkk" nabitawan niya ako ng bigla akong sumuka
HENRICK POV
*BUWAAKKKK*
*BUWAAKKKK*
Napahinga na lang ako ng malalim at napaiwas ng tingin sa kanya. Sino ba siya? Bakit ko siya tinutulungan? Nakakahiya pa naman siya
*sobs.sobs.sobs*
Napatingin ako sa kanya ng marinig ko siyang humihikbi. Ang lala niya na para sa isang baliw
Kinuha ko na lang yung cellphone ko at dinial ang number ni mommy
"Oh! Henrick napatawag ka? Kasama mo pa rin ba si Georgina?" Sino naman iyon?
"Mom, saan ba nakatira ang babaeng iyon?" tanong ko
"So? Magkasama pa rin kayo? Bakit? Ano bang nangyari? May problema ba?" Sobrang laking problema
"Mom, i-text mo na lang sa akin kung saan siya nakatira. Bye" inend ko na ang tawag bago pa siya magsalita
Napatingin ako ulit sa babaeng ito. She's hopeless ayun ang nakikita ko
BINABASA MO ANG
I'm Still Inlove With My Ex
Novela JuvenilThere are many people who can't move-on or it takes a lot of time before they forget someone, either romantic love, family or friend. The big question is why there's a people like them? Why do we need to let go of someone whom we can't live without...