CHAPTER THIRTY
(GEORGINA IS MISSING)*IN KOREAN RESTOBAR*
"Dito na lang kayo maupo at umorder na lang kayo ng kahit ano" saad ng lalaking iyon
"Sige! Pero pagkatapos mong magperform bumalik ka dito. Ngayon lang tayo magcecelebrate dahil ngayon mo lang sinabing bumalik kana" maarteng anas ni Kiela na ang sarap ingudngod ang mukha ngayon
"Sure" ngumiti pa siya nun na ikinairap ko na lang
"Nga pala dude I'm Henrick Jung childhood bestfriend ni Kiela" pakilala niya pa
"Giovanni Javier, fiancee niya" nagshakehands lang sila nun
"Ah hawakan mo muna ito" inabot niya sa akin yung bag namin na ikinainis ko lalo
"Huwag kang uminom ah!" Ano naman kung iinom ako? Wala siyang paki
"Bakit naman bawal siya?" Biglang tanong ni Kiela
"Ah! Baka makasama sa kanya, sige maiwan ko na kayo" umalis na siya nun at naiwan na kaming tatlo dito
At wala nang iaawkward pa ang sitwasyon naming ito. Mas lalo lang tumataas ang tensyon pag kasama ko sila
"Target mo ba si Henrick ngayon?" Saad ni Kiela
"Tingin mo?" Balik kong tanong
"Don't mess with him kung ayaw mong tuluyang masira sa school" ako ba ang tinatakot niya? Ginawa niya na nga iyon bakit pa ako matatakot?
"Then do it! And besides wala naman akong balak na landiin siya tulad ng gusto mong sabihin"
"Pwede bang tumigil na kayong dalawa?" Saway ni Van na ikinatahimik ko na lang
Napatingin na lang ako doon sa mga nagpeperform kaysa uminit pa ang ulo ko sa kanila
*KRINGGGKRINGGG*
"May tumatawag sa akin Van sagutin ko lang saglit lang ako promise" tumango lang sa kanya si Van at bago siya tuluyang umalis ay tinitigan niya ako ng may pagbabanta
"Don't worry hindi ko aagawin sayo yan" anas ko inirapan niya lang ako bago umalis
*SILENCEEEE*
"Siya na ba yun Gia?" Biglang tanong ni Van na siyang ikinagulat ko
"Ano bang pakialam mo kung sino pa iyon? and besides hindi na tayo dapat nag-uusap. Wala nang dahilan dahil nagawa ko na ang gusto mo" saglit ko lang siya tiningnan at umiwas din agad
"Isang linggo pa lang mukhang naging close mo na agad. You're really a flirt" w-what did he say? Flirt?
"Flirt? Me? Nariririnig mo ba ang sinasabi mo Giovanni? Sa kanilang lahat ikaw ang mas nakakakilala sa akin kaya paano mo nasasabi ang mga salitang iyan?" Hindi makapaniwalang saad ko
"Tama naman ako, nilalandi mo naman talaga ang lalaki na iyon" napaiwas ako ng tingin sa kanya dahil feeling ko maiiyak na naman ako
"Huwag kanang magdeny sabi mo nga mas kilala kita kaysa sa kanila at ayun ang nakikita ko ngayon sayo ikaw na lang ata ang hindi nakakahalata" tuluyan ng tumulo ang luha ko nun sa sinabi niya
Hindi niya talaga alam kung kailan siya dapat hihinto sa pagsasalita. Alam niya ba kung gaano kasakit ang mga sinasabi niya
"Ide-deny mo pa ba ang katotohanan?" Humarap ako sa kanya nun
BINABASA MO ANG
I'm Still Inlove With My Ex
Teen FictionThere are many people who can't move-on or it takes a lot of time before they forget someone, either romantic love, family or friend. The big question is why there's a people like them? Why do we need to let go of someone whom we can't live without...