CHAPTER THREE (Heartbreak AGAIN)
"How's your day with our new schoolmate Ms. President?" tanong sa akin ni Kathy, hindi ko siya nilingon wala akong balak kausapin siya gulong gulo pa ang isip ko
"Hindi siya sumagot Kath malalim ang iniisip niya," sabat ni Lea
"Gina okay ka lang ba? Kahapon ka pa ganyan iyan ba ang epekto ng Giovanni na iyon?" I sighed before I look to them emotionless, I'm about to speak ng biglang bumukas ang pinto kaya lahat kami ay napalingon.
Anong ginagawa niya dito? I didn't expect him to come here and I don't want him too. Naiintindihan niya naman siguro di ba? Iniwas ko na lang ang tingin ko at bumalik sa ginagawa. Umarte akong hindi siya nakita mahirap na baka humirit pa. Sa totoo lang hindi ko kayang makausap siya kasi ako ang nasasaktan para sa kanya.
Ano bang nangyayari sa akin?
"Wi—Gina, are you free?" nafreeze ako nang muntik niya ng mabanggit yung wifey. Ang pinaka iniiwasan kong mangyari ay malaman ng iba na may past kaming dalawa.
"May ginagawa pa kasi ako ..."
"Leave that to them I know they can manage it, right?" sabay tingin niya sa mga kasama ko
"Yeah, sumama kana sa kanya Gina..." saad ni Joshua
"See? Let's go," lumapit siya sa akin at hinila ako palabas, nakita ko pa ang gulat sa mukha ng mga kasama ko
--------
"Van, ano ba?" saad ko ng huminto kami dito sa likod ng school building
"Sorry!" aniya, ito na ba ang tamang pagkakataon?
"I have something to tell you," seryoso kong sabi habang nakatitig sa kanya
"Ano iyon?"
"Let's end this."
"What do you mean?" nagtatakang tanong niya
I sighed, panindigan mo ang gagawin mo Georgina.
"What I mean is stay away from me, don't ever talk to me again, don't call me wifey and don't come near me. Let's just pretend na hindi tayo magkakilala kasi hindi tayo naglolokohan dito. I know na nasasaktan ka parin at may galit kaya huwag mong lokohin ang sarili mo, ginagawa ko ito dahil ayun ang sa tingin kong tama kaya huwag ka nang umasa na babalik tayo sa dati. Simula umalis ako kinalimutan na kita kahit katiting na pagmamahal wala na akong nararamdaman sayo kaya lumayo kana Giovanni," ang haba ng sinabi ko pero alam ko sa sarili ko na kahit isa sa mga iyan ay walang katotohanan
"Handa na akong kalimutan ang nakaraan kaso sumusuko ka agad and now I'm hurting again and it's because of YOU again. Ganyan mo na ba kaayaw sa'kin? Kung desidido kana sa desisyon mo wala na akong magagawa Gia" umalis na siya pagkatapos sabihin iyon
Ang tanga -tanga ko talaga. Ano na naman itong ginawa ko? Ako lang din naman ang nasaktan sa mga sinabi kong kasinungalingan. Ginagawa ko lang naman ito para sa ikakabuti niya kung kaya ko lang sabihin ang dahilan ginawa ko na kaso hindi. Napaiyak na lang ako ng hindi ko na mapigilan ang sakit. Sinasarili ko na naman lahat ng sakit tulad noon, napakatanga ko talaga.
Napahina ko para masaktan ulit. I hated myself.
-----
![](https://img.wattpad.com/cover/52572553-288-k366070.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm Still Inlove With My Ex
Teen FictionThere are many people who can't move-on or it takes a lot of time before they forget someone, either romantic love, family or friend. The big question is why there's a people like them? Why do we need to let go of someone whom we can't live without...