CHAPTER ELEVEN (REALIZED)
GEORGINA POV
"Dito na lang tayo," saad ni Van
"Ang boring naman bakit dito tayo sa Childrens Park? Pwede naman sa mall o hindi kaya sa Amusement Park para mas masaya di ba?" saad ni Mr.Stealer. Sa aming lahat siya lang ang kanina pa reklamo ng reklamo hindi ba niya nararamdaman ang awkwardness sa pagitan naming lahat?
"Sana hindi kana lang sumama kung magrereklamo ka?" naiinis kong saad bago naupo sa isang bench na nandoon tinabihan lang ako ni Aki
Nagsiupo na rin muna sila. Ang ganda dito maraming mga batang naglalaro at marami ring pamilya siguro nga para sa mga edad namin ngayon ay boring na ang mga ganito pero para sa mga batang katulad ni Aki at nang ibang nandito napakasayang pumunta dito. Hay! Nakakamiss tuloy maging bata yung maayos pa ang lahat at wala kang pinoproblema. Wala akong masyadong maalala sa childhood ko dahil sa aksidenteng nangyari noon pero may pakiramdam ako na madalas di akong pumupunta dito.
"Ate Gina, pwede ba akong makipaglaro sa kanila?" tanong ni Aki na halatang excited na talagang makipaglaro
"Of course pero magpaalam ka muna sa masungit mong kuya," bulong ko sa kanya napahagikgik naman siya bago tumango at lumapit sa kuya niya na nasa kabilang dulo ng iuupuan kong bench
Pinagmamasdan ko lang siya habnag kausap ang kapatid niya. Ang gwapo niya talaga ngayon may ibang tao pa ba na katulad niya? Napangiti na lang ako at hindi ko na namalayan na masyado na pala akong na-absorbed sa pagtitig kaya ng lumingon siya sa akin ay nagmadali agad akong umiwas.
OMG!
Ano bang nangyayari sayo Georgina Alvarez? Sinampal-sampal ko ng pasimple ang mukha ko at napailing. Ang laki kong tanga para hindi pa kalimutan ang ex ko na hindi ko masisisi kung bakit ganoon siya umasta ngayon dahil it's my fault at wala akong karapatan na magalit sa inaakto niya dahil kasalanan ko lahat. It's my fault.
"Gina, okay ka lang?" nagtataka akong napalingon kay Jin na nakatingin sa akin
"O-oo naman. Bakit hindi ako magiging okay?" I look away but I heard him and Mr. Stealer hissed
"What?" sigaw ko na ikinatawa nilang dalawa. Baliw na ba ang dalawang ito at tumatawa na lang bigla kahit na wala namang nakakatawa sa mga sinabi ko.
"Are you both crazy?" pagtataray ko
*Pokkkk.Pokkkk*
"Aray!" sigaw nilang dalawa, they deserves that
"Gina, tigilan mo na nga ang paghampas mo." reklamo ni Jin pero pinagpatuloy ko ang paghampas sa dalawang kumag na ito
"Stop it Mine!"
"Don't call me MINE 'coz I have my own name and that's Georgina,"
"STOP WHAT ARE YOU DOING YOUR NOT A CHILD ANYMORE," nagulat ako sa sumigaw kaya napahinto kami at nakita namin ang masamang tingin ni Van
Napatigil na lang ako at umayos ng upo. Kahit na gusto ko siyang sigawan katulad ng ginawa ko sa dalawang kumag na ito hindi ko magawa, kapag siya ang kaharap ko gustong umurong ng dila ko parang bigla akong napipipi na nakakapanibago dahil hindi naman ako ganoon sa iba sa kanya lang talaga.
"And we're not mature enough so don't act like one," inis na saad ni Mr. Stealer
"I don't need your opinion," cold na saad ni Van bago pinuntahan ang kapatid niya.
BINABASA MO ANG
I'm Still Inlove With My Ex
Teen FictionThere are many people who can't move-on or it takes a lot of time before they forget someone, either romantic love, family or friend. The big question is why there's a people like them? Why do we need to let go of someone whom we can't live without...