CHAPTER NINE

81 12 8
                                    


CHAPTER NINE (HER POV)


A/N: THANKS SA MGA NAGBABASA :)


***********************


GEORGINA POV


"Mine, hintayin mo naman ako. You're my tour guide here right? Baka gusto mong isumbong kita?" nakakainis na ang Stealer na ito kanina pa kulit ng kulit kailan niya ba ako titigilan?

"Stop calling me mine 'coz I'm not yours and it will never gonna happen," sigaw ko


Nandito lang naman kami sa likod ng school tamang tambay lang ako dito akala ko hindi ako nasundan ng loko yun pala nakasunod na. Umiiwas na nga ako sa kanya tapos sunod pa rin ng sunod nakakairita di ba? Buntot ko na nga si Marga pati siya dumagdag pa.


"Huwag kang magsalita ng tapos baka kainin mo 'yang sinasabi mo," nakangisi niyang saad

"In your dreams!" inirapan ko lang siya


Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa kanya. Hindi naman ako mahilig magtago sa mga schoolmates ko pero dahil sa ginawa niya kanina wala na akong mukhang maihaharap sa kanila. Ano na lang ang iniisip nila ngayon? Ako mismo ang sumisira sa rules na ginawa namin? Nakakainis na buhay!


"Ano bang iniisip mo diyan?" tanong niya habang sumasandal sa puno na katabi ko 

"Iniisip ko kung paano ka mawawala sa buhay ko. You know what? You make me feel embarrassed today  kaya anong mukha ang ihaharap ko sa lahat kung yung sarili kong rule nilalabag ko rin?" sagot ko. "Alam mo mas maganda kung babasahin mo ang rules and regulation ng School at Student Council para maging aware ka, hindi yung basta-basta ka na lang susung—" napahinto ako ng marealize ko ang sinasabi ko

"Susung—? What did you mean by that?" inosenteng tanong niya

"Argh! Nakakainis ka talaga gustong-gusto na kitang pira-pirasuhin at ipamigay sa mga babaeng nagkakandarapa sayo,"  tumayo na ako at nagmadaling bumalik sa loob


*Booggsshhh*


Nagulat ako ng bigla akong may nabangga sa sobrang pagmamadali. Akala ko didiretso na ako sa semento kaso may sumalo sa akin at hindi yung nabangga ko kung hindi yung taong nasa likuran ko. Hindi na ba ako tatantanan ng kamalasan ngayong araw? Kailan pa ako isinumpa? 


"Sorry Ms. President," sabi ng nakabangga ko

"It's my fault, Im sorry." anas ko. Nagpatuloy na lang ako sa paglakad pero nararamdaman ko pa rin na nakasunod yung Stealer na iyon sa akin.


Automatic na napahinto ako nang makasalubong ko sina Van at Kiela. Wrong timing naman ang dalawang ito masakit na nga ang ulo ko sa Stealer na sumusunod sa akin dadagdagan pa ng sakit sa puso at sakit sa mata ng dalawang ito. 


"You're here Gina, mukhang may LQ kayo ng new toy mo!" saad ni Kiela. Naiinis na ako sa higad na ito kung wala lang ako sa school kanina ko pa siya nasapak

I'm Still Inlove With My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon