CHAPTER FORTY ONE

17 2 0
                                    


CHAPTER FORTY ONE
(NEW START)





                 GEORGINA POV




*CHRISTMAS DAY*


"It's already christmas? Ang bilis naman ng panahon" saad ko sa sarili ko habang nakatingin sa mga tao dito sa park





Halos lahat sila kasama ang mga mahal nila sa buhay at masaya lang at ito ata ang unang pasko na hindi ko kasama si daddy at Warren kaya nakakapanibago pa rin

It's already 12: 15 a.m definitely a christmas day pero bakit mag-isa ako? May karapatan naman akong magcelebrate ng christmas pero wala man lang bumabati sa akin?

Mabuti pa umuwi na lang ako at matulog. Tumayo na ako at naglakad papunta sa may sakayan

Habang nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ay may nakaagaw ng pansin ko. Isang gitara at biglang pumasok sa isip ko ang asungot na yun. Ang asungot na iyon na walang ginawa kundi mag-entertain ng mga babae. Kantahan sila kapag gusto nila, Samahan sila kapag niyayaya siya, Kausapin sila kapag gusto nila at higit sa lahat tanggapin lahat ng ibinibigay sa kanya


Hindi niya nga ako binigyan ng oras kapag kaharap niya ang mga iyon. Sa loob ng ilang buwan mag-uusap lang kami kapag importante at lagi siyang wala sa bahay kahit weekends dahil may part-time daw siya
Ang kapal talaga ng mukha!!

At ang malala pa kapag nags-stay siya sa bahay lagi ko siyang naaabutan na kausap sa phone ang bruhang Kiela na iyon. Psh!


Biglang pumasok sa isip ko si Van nun. Ano na kayang ginagawa niya? Kasama niya ba ang family niya? O ang Bruha na iyon? Nagdecide akong kalimutan siya a few months ago pero hindi ko pa rin tuluyang nagagawa iyon ang kaya ko pa lang ay hindi siya kausapin.

Hayyy!! Ano bang iniisip ko? Nagulat ako ng pagharap ko sa gilid ko ay nakita ko yung asungot na iyon na nakatingin sa gitara

Anong ginagawa niya dito?






"Bibilhin mo ba yan para sa akin?" Hindi halatang makapal ang mukha niya

"Bakit ko gagawin iyon? Magpabili ka sa mga babae mo kung gusto mo" saad ko

"May nagbigay na sa akin. Here!!" Pinakita niya yung bitbit niyang gitara kaya sinamaan ko siya ng tingin

"Alam mo maganda na yung mood ko at salubong ng Christmas kaya pwede huwag mo nang sirain pa" inirapan ko siya at aalis na sana ng pigilan niya ako

"Ang sungit mo naman!!" seriously nasasabi niya talaga iyan?

"Bitawan mo ako" anas ko pero umiling siya at ngumiti lang sa akin

"Ayoko! Christmas ngayon kaya dapat lang na magcelebrate tayo at ayaw mo bang makasama ang pinakapogi at talented na tulad ko? Nireject ko yung mga nagyaya sa akin para lang sayo" sana lang totoo ang sinasabi niya pero imposibleng mangyari iyon

"Don't fool me Mr. Moody alam kong inutos lang sayo iyan ng mommy mo" binitawan niya ang kamay ko at napakamot ng ulo niya

"Oo tama ka!! Pero naaawa din ako sayo baka magmukmok ka lang sa bahay at gawing all saints day ang christmas day" inambahan ko siya sa inis pero hinarang niya lang agad ang kamay niya

"Hindi ko gagawin iyon. Kung gusto mo sumama kana sa mga babae mo tutal masaya ka naman sa ginagawa nila sayo" hindi ko na siya binalingan ng tingin at naglakad na lang

I'm Still Inlove With My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon