CHAPTER THIRTEEN

55 5 4
                                    


CHAPTER THIRTEEN (MR.MOODY)


*BLAAAGGGG*

*BLAAAGGGG*  

*BLAAAGGGG*  


"Ate, Ano bang nangyayari sayo para kang sinapian simula ng umuwi ka?" sita ni Warren pero hindi ko siya pinansin at patuloy na inuuntog ang ulo ko sa mesa

"Ate Marga, anong nangyayari sa kanya?" napatingin ako kay Marga na nakangiting aso kaya sinamaan ko siya ng tingin

"Subukan mong magsalita diyan tatamaan ka sa akin," banta ko 

"Couz' hindi ako natatakot sayo sorry kana lang. Alam mo kasi Warren ang magaling mong kapatid ay—" bago pa siya makapagsalita ay sinubuan ko na lang siya ng mocha cake na dala ni Warren 

"Ano ba iyon Ate? Nakipaglandian ka ba sa School? Isang himala ata iyon ang alam ko iwas kana sa kanila since naghiwalay kayo ni Kuya Van," 


Ang galing kailangan niya pa bang sabihin 'yan? Napairap na lang ako at kumain ng mocha cake. Kasalanan ito ng Stealer na iyon, ano ba sa tingin niya ang ginawa niya? Nakita pa tuloy kami ng taong hindi dapat  makakita ng lahat

uwahhh! Feeling ko mababaliw na ako kaya anong gagawin ko ngayon?


"So? Tama nga ako? Siguro nakita ka ni Kuya Van kaya ka ganyan kung magreact," dagdag pa ni Warren


  *BLAAAGGGG


"Psh! Pwede ba tigilan niyo nga ako magsama na lang kayong dalawa tutal parehas lang naman kayong panggulo ng buhay ko," tumayo na ako at umalis na lang 


Umakyat ako sa kwarto ko at doon humiga na lang. Hindi ko talaga alam kung paano pa haharap sa kanya ng hindi umiiwas. Actually, wala naman dapat akong ikakaba dahil unang-una sa lahat WALANG KAMI, pangalawa  WALA PA RING KAMI, at pangatlo HINDI KAHIT KAILAN MAGKAKAROON NG KAMI. 

Nakakastress na talaga ito!! 


*KRINNNGGGGKRINNNGGGG*


"Hello?" walang gana kong sagot 

"Ms.President! Wala ka sa meeting kanina at hindi ko rin alam kung bakit ka nagditch ng class first time ever iyon at sana hindi na maulit pa," tiningnan ko sa cp ko kung sino yung tumawag sa akin and I saw Joshua 

"Joshua, sabihin mo na lang kung ano talaga ang point mo kung bakit ka tumawag" napairap ako. Ang dami pa kasing sinasabi at pinapaalala pa yung ginawa kong hindi dapat ginagawa ng isang student council President

"Pinag-usapan namin yung about sa camping dahil maraming nagrerequest na within this week ay maganap na iyon at sumang-ayon kaming lahat gumawa na rin ako ng letter para sa approval ng Principal iniwan ko iyon sa mesa mo nakita mo ba?" hindi naman ako dumaan sa SC Office pagkatapos ng mga nangyari

"Dumiretso na ako ng uwi kaya hindi ko na nakita. Don't worry, I'll take care of that tomorrow" sagot ko 

"Isa pang problema!" saad niya

I'm Still Inlove With My ExTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon