CHAPTER FORTY SIX
(GOING BACK TO PHILIPPINES)AFTER 5 YEARS....
GEORGINA POV
"Couz, welcome back!!! Namiss mo ba ang Philippines?" salubong sa amin ni Marga at ni Warren
"Warren!!! Namiss kitang bata ka!!! Ang tangkad mo na agad!" niyakap ko agad si Warren pero todo tulak naman siya sa akin
"Ate, ano ba? Hindi na ako bata" reklamo niya kaya napalayo ako sa kanya
"Ang arte mo. Tsk. Anong aasahan ko sayo? Where's dad?" Tanong ko at inikot ang tingin
"Binisita si mommy sa kulungan" naging seryoso ang mukha ko
"Bakit niya pa binibisita ang babaeng iyon?" Anas ko
"Ehem!!" Ah! Shit nakalimutan kong may kasama pala ako
"Hoy! Hindi niyo papansinin ang fiancee ko?" Hinatak ko siya papunta sa tabi ko
"It's nice to see you again" saad ni Henrick pero parehas lang na umiwas ng tingin yung dalawa na parang wala silang narinig
"Aishh!! Problema niyo ba sa akin? Buo ko naman siyang binalik dito ah! May atraso pa ba ako sa inyo?" Takang tanong ni Henrick
"Tinatanong mo ba talaga iyan? Limang taon na kayong nagsasama sa States wala man lang nabuo?" Huh? Anong sinasabi nito?
"Marga!! Anong nabuo? Are you crazy?" iritado kong saad
"Lalaki ka di ba? Bakit hindi mo pa rin pinapakasalan ang kapatid ko?" Ano bang problema ng dalawang ito?
"Ayoko!" Sagot ni Henrick na ikinasimangot ko
"Anong sabi mo? Wala na si Mommy dito kaya pwede na kayong maghiwalay! Wala nang bisa ang arrange marriage niyo kaya umalis kana" anas ni Warren na ikinagulat ko
"Okay!" Aalis na sana si Henrick pero hinatak ko ulit siya palapit sa akin
"Dito ka lang!" umiwas siya ng tingin sa akin itinuon sa iba ang atensyon
"Anong ibig sabihin nito Georgina?" tanong ni Marga
"I will marry him without that contract and besides he's mine now" ngumiti lang ako
"REALLY? THIS MAN?" sigaw nilang dalawa
"Anong problema niyo?" Takang tanong ko dahil sa totoo lang ang weird nilang dalawa
"Oh! Ate Marga paano ba yan? Panalo ako sa pustahan! Sabi ko sayo mafafall si Ate Gina sa kanya" ang dalawang ito talaga kahit kailan walang ginawang maganda
"Hindi ko alam na bibigay ka sa kanya Gina. Hindi naman siya ang type mo ah! Ang layo naman nila ni Van sa isa't isa" serves her right
"Ma'am Marga! Nandito na po si Sir Joshua sa labas hinihintay ka" napangisi ako nun hayy sabi ko na ee
"The more you hate, the more you love!! Naniniwala kana siguro ngayon sa akin Marga!" Pang-aasar ko at ngumisi
"Tsk. Nabola niya lang ako" napailing ako at tinap ang balikat niya
"Si Joshua na lang ang tatanungin ko. Ingat sa date niyo" inirapan niya lang ako at lumabas na
"May date din ako! Maiwan ko na kayo!" Saad ni Warren at nakipagtitigan pa kay Henrick
BINABASA MO ANG
I'm Still Inlove With My Ex
Teen FictionThere are many people who can't move-on or it takes a lot of time before they forget someone, either romantic love, family or friend. The big question is why there's a people like them? Why do we need to let go of someone whom we can't live without...